Kris ayaw magkadyowa ng tamad at bobo

KRIS AQUINO

Kahit laging failure ang kanyang nagiging relationship in the past, hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Kris Aquino na one day ay matatagpuan din niya ang lalaking makakasama niya ng mahabang panahon.

Sa isang episode ng Kris TV, sinabi ni Kris kung ano ang mga qualities na hinahanap niya ngayon sa isang lalaki, Aniya, “Ayoko ng magulo, ayoko ng tamad, wala naman akong sinasabing tamad ah, I’m just saying gusto ko ng masipag and I want someone smart, more than anything else. He has to be smart.”

Ipinagdarasal daw niya talaga na sana ang susunod na magiging karelasyon niya ay smart, “At least sana may alam na iba sa alam ko. Pero sana din may meeting of the minds kasi ang hirap mag-explain.”

Bukod dito, sana raw ay madaling makasundo ng mga anak niyang sina Joshua at Bimby. Hirit pa ng Queen of All Media, “At talagang sinabi ko sana please close to my culture, same religion and sana talaga parang, yun ang pinag-pepray ko, panghahawakan at pangangalagaan ang magandang pangalan namin.”

Read more...