SA issue tungkol sa pagkakasangkot ni papa Zanjoe Marudo sa hiwalayang Piolo Pascual at KC Concepcion, inamin nitong talagang magkaibigan sila ni papa P. Sabi ni Zanjoe sa break-up ng dating magdyowa, “Normal lang yung nangyari sa kanila. Normal lang yun sa mga taong nagmamahalan, di ba? Normal sa isang couple na maghiwalay. Normal lang naman yung nasasaktan.
“Hindi ko kasi alam ang dahilan at hindi ko na rin inaalam. Hindi ko na rin sila nakakausap,” say ni Papa Z.
“Maaga pa ‘yan, e. Malay mo, magkabalikan pa. Hindi natin masabi.”
Dagdag pa nga ni Zanjoe, “Hindi naman talaga ako na-link! Kaibigan ko si PJ kasi naging magkapatid kami sa isang show. Hindi mo maaalis na kahit paano may pinagsamahan talaga kami. Mga nakakatrabaho ko, ganu’n.” – Ambet Nabus