Ni Cristy Fermin
MARAMING nagtatanong kung nandito pa ba si DJ Mo Twister o nakaalis na siya papuntang Amerika? Inuusisa rin kami ng marami kung matapang ba niyang haharapin ang mga asuntong isasampa laban sa kanya ng GMA 7 at ng nakasira niyang karelasyong si Rhian Ramos.
Wala kaming maisagot na kumpirmado. Ang akala nami’y nakaalis na siya nu’ng nakaraang Sabado pa, pero sa kanyang mga tweets naman ay lumalabas na nandito pa rin pala siya, mahirap magsabi ng kung ano lang ang nalalaman mo.
Minsan ay nandito pa siya, minsan naman ay wala na, kaya mas maganda na lang sigurong sabihin na hindi namin alam kung nandito pa ba o wala na si DJ Mo Twister.
Nag-file na ng Temporary Protection Order (TPO) ang kampo ni Rhian laban kay Mo Twister. Ang nakasaad du’n ay hindi niya maaaring lapitan si Rhian sa layong limampung yarda, hindi na rin niya puwedeng gambalain ang dalaga sa text, tweets o anumang paraan-bahagi ng social networking, lalong hindi na siya puwedeng magpainterbyu para minsan pang magsalita ng anumang laban o tungkol kay Rhian.
Sasampahan na rin siya ng kasong libelo ng GMA 7 dahil sa nilalaman ng video tape niya na pinagpistahan ng buong bayan, kahit pa sa interbyu namin kay Mo Twister bago siya pinutakti nang husto ng mga kontrobersiya ay inilabas niya naman ang network sa kaguluhan nila ni Rhian, marami pa raw kasong isasampa sa kanya si Rhian at ang istasyon na kailangan niyang harapin.
Matapang naman si DJ Mo Twister, mabilis ang kanyang dila sa pagpapakawala ng maaanghang na pahayag, dito natin masusukat ngayon kung gaano talaga siya katapang sa pagharap sa mga digmaan sa kanyang buha
Life goes on for Rhian
BACK to back one-liner news: As we write this, we got this news na set to file separate charges din ang ina at tiyahin ni Rhian Ramos against Mo Twister making it four complainants against one as nauna na ngang nag-sampa ang GMA network at si Rhian.
Samantala, life goes on for Rhian who starts taping her new primetime soap My Beloved opposite Dingdong Dantes and yesterday naman ang first shooting day ng kanyang bagong movie after “The Road” still showing on its second week – GMA’s February opening na “My Kontrabida Girl”. – Dinno Erece