Bagong Philhealth remittance schedule

NGAYONG buwan ng Marso ng taong kasalukuyan ay nagtakda ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ng bagong remittance schedule para sa mga employer sa pampubliko at pribadong sector

Batay sa PhilHealth Circular No. 1, s-2014, ang mga employer na ang PhilHealth Employer Number (PEN) ay nagtatapos sa 0 hanggang 4 ay maaaring mag-remit mula ika-11 hanggang ika-15 araw ng buwan pagkaraan ng buwang ipinagbabayad.

Ang mga employer na ang PEN ay nagtatapos sa 5 hanggang 9 ay maaari namang mag-remit mula ika-16 hanggang ika-20 araw ng buwan pagkaraan ng aplikableng buwan.

Layunin ng bagong schedule na ito ay upang gawing mas maginhawa ang pagre-remit ng PhilHealth contributions sa hanay ng mga employer.

Halimbawa, kung ang bayad ay para sa Marso 2014, ang mga employer na ang PEN ay nagtatapos sa 0 – 4 ay dapat mag-remit mula Abril 11 – 15, 2014, samantalang ang PEN na nagtatapos sa 5 – 9 ay mula Abril 16 – 20, 2014 ang pagbabayad.

Ang pagsusumite naman ng remittance reports ay sa loob lamang ng limang (5) araw pagkaraan ng petsa ng pagbabayad.

Sakali naman na ang due date ay nataon sa weekend o holiday, ang pagbabayad at remittance reporting ay maaaring gawin sa kasunod na working day” alinsunod na rin sa nasabing circular

Dr. Israel Francis A. Pargas, OIC-Vice President, Corporate Affairs Group

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!t

Read more...