Toni type bumalik sa Eat Bulaga, atat makasama si Vic sa pelikula


So, miss na miss na ni Toni Gonzaga ang dati niyang mga kasamahan sa Eat Bulaga. Nabasa namin sa isang website ang naging statement ng TV host-actress tungkol sa kagustuhan niyang makapag-guest sa noontime show nina Tito, Vic & Joey.

According to Toni, sana raw ay matuloy na ang movie nila nila Vic because if this will happen, siguradong makakapag-guest na siya sa Eat Bulaga. Pero sey ni Toni baka hindi na naman daw siya payagan.

Natuwa naman kami sa kuwento niya, niyakap daw talaga niya si Ryzza Mae Dizon nang magkita sila sa isang event, one-liner ng aktres, “Parang feeling ko, kapag yakap ko siya, nakita ko na ang buong Eat Bulaga.”

Read more...