Isabel Oli babu GMA, lumipat na sa ABS-CBN | Bandera

Isabel Oli babu GMA, lumipat na sa ABS-CBN

Ervin Santiago - March 05, 2014 - 03:00 AM


GINULAT ng aktres na si Isabel Oli ang sambayanan ng lumabas ito sa promo plug ng ABS-CBN top-rating primetime family drama na Annaliza.

Dahil sa nalalapit na pagganap na ito kung kaya’t hindi maiwasang magtanong ng publiko kung tuluyan na bang magiging Kapamilya si Isabel.

“Sa ngayon freelancer ako, at bukas ang aking pintuan sa lahat ng networks na nais akong kunin bilang aktres,” paliwanag ni Isabel. “Masaya ako na makatrabaho ang lahat ng bumubuo ng Annaliza at makabalik uli sa network kung saan ako nagsimula.”

Gagampanan ni Isabel ang papel na Bernadette, ang bagong chef sa Ristorante Isabel . Kung mabuti o masama ang pakay niya sa buhay ng batang bida na si Annaliza (Andrea Brillantes) ang siyang dapat alamin ng mga manonood sa huling tatlong linggo ng hit primetime serye.

Bukod sa pagpasok ni Isabel sa kwento, dapat pakatutukan din ngayong linggo ang napipintong pagtakas ni Makoy (Carlo Aquino) kay Stella (Kaye Abad) pati na rin ang tangkang panggagahasa ni Cedric (Alex Castro) kay Isabel (Denise Laurel).

Muli na naman bang magiging impyerno ang buhay ni Annaliza sa pagbabalik ni Stella? Paano tatakas si Isabel sa maitim na balak ni Cedric? Kakampi ba o kaaway si Chef Bernadette?

Pakatutukan ang mga huling tatlong linggo ng Annaliza gabi-gabi, bago mag-TV Patrol sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending