Annabelle galit na galit, naghamon

Sa paghaharap nila ni Nadia Montenegro sa korte

NAGKITA na sa fiscal’s office ng Quezon City Prosecutor’s Office sina Annabelle Rama at Nadia Montenegro.

Sa report ng isang website, galit na galit daw si Annabelle na lumabas ng fiscal’s office. Meron din daw sigawang nangyari sa loob kaya naman ipinasara ang pintuan ng opisina. Kaagad na nag-tweet si Annabelle pagkatapos pumunta sa korte.

“I just came from fiscal’s office, kaharap ko ang pinakaduwag sa mundo. Di makasagot sa tanong ni fiscal, nagpaka demure pa ang bruha!”

Sabi pa ni Annabelle, biglang natameme si Nadia sa kanyang harapan, “Ang tapang mong mag tweet at ang tapang mong siraan ako sa mga kausap mo! Bakit ka natameme sa harap ko! Puro kasinungalingan ang mga sagot mo sa fiscal, ang kapal di ka na nahiya mag deny sa harap ko?!!”


“Magpasalamat ka may respeto pa ako sa fiscal, kundi… PAK! PAK! PAK! TOK!!!!”

Mayroon pang tweet si Annabelle pero this time hindi na niya pinangalanan ang kanyang subjec, “Reminder, 8AM tumatawag ka sa akin nagmamakaawa magparediscount ng checke 100K dahil pampondo ng check inissue mong tatalbog! Deny pa rin?”

“Ang kapal muks! Hinahamon kitang magpa drug test! Tayong dalawa! Malaman na kung sino sa atin ang addict!!!”

“Nasaan na sila GRETCHEN, POPS, RUFFAMAE, CHE?? Lahat ng PINAGKAKAUTANGAN mo nawala parang bula! USER!!!! Kelangan pag sauli mo walang sira at gasgas dahil mas mahal pa yung gamit ko kesa buhay mo! 2yrs mong pinagsawaan, wala kang utang na loob!”

“Hinahunting ka ng may ari ng bahay sa St. Ignatius, d kna nagbayad ng rent 1 1/2 year, kinuha mo pa ang kama at ibang gamit nila! Bibigay ko yung address mo! Wag mo ipaharang sa guard ng village ha! Pati mga gamit ko ipapapick up ko na rin!”

“Bakit ka galit na galit sa mga tweets na nababasa mo?! Di mo ba matanggap ang katotohanan?? Nahihiya ka ba sa mga pinaggagawa mo??”

“Kung hindi dahil sa akin meron ka bang ibibigay na pera sa nanay mo? Atleast ako di pinapalamon ng mga anak ko, nagtatrabaho ako para kumita.

Dapat lang kumuha ako ng commission dahil ako ang naghahanap ng trabaho for them. Anong masama doon? Bakit inggit ka?”

“Oo tama ka, di ka kinukuhanan ng nanay mo ng commission. Dapat lang dahil di naman sya ang nagtatrabaho para sa iyo… Nasa bahay lang ang nanay mo naghihintay sa ibibigay nyo!”

Balita namang nag-iiyak si Nadia nang lumabas mula sa fiscal’s office yakap-yakap ang kanyang mga anak dahil sa diumano’y mga pananakot ni Annabelle Rama.

Read more...