Toni marunong magpasalamat at magpahalaga sa press


Yes, humabol ako sa pa-thanksgiving dinner ni Toni Gonzaga sa Packo’s Grill sa Quezon City through the invitation of our anak-anakang Francis Simeon.

Originally ay 7 p.m. ang dinner pero since meron pa palang importanteng trabaho si Toni kaya ginawa itong 5 p.m.. Pero ang nakakatawa, past 8 p.m. na nang dumating si Toni dahil tinapos muna niya ang recording niya for a segment ng isang show sa ABS-CBN pero nandoon naman ang kaniyang butihing inang si Mommy Pinty and guwapong dad na si Vice Mayor Carlito Gonzaga.

Sila ang nag-estima sa aming lahat over a sumptuous dinner. In fairness, masarap ang pagkain kaya we truly enjoyed our long stay. Pagdating ni Toni, pinagkumpulan siya ng press friends natin dahil sobrang tumabo sa takilya ang kaniyang latest movie with Piolo Pascual, ang “Starting Over Again” na super-ganda raw talaga ayon sa halos lahat ng nakapanood na.

Alam niyo naman ako, sa katamaran kong pumunta sa sinehan, nagkakasya na lang ako sa DVD sa bahay pag me kopya na sa video stands.

“Hindi ko nga alam kung ano ang final figure na kinita ng movie, nakaka-overwhelm ang resulta sa takilya. Di ko alam kung P350 million na or P400 million.

Hindi ako makapaniwala na papatok ang movie namin – sarap ng feeling, di ba? Pero hindi naman mangyayari iyon kung hindi dahil sa tulong ninyong lahat,” ani Toni, who, in fairness ay marunong magpasalamat at magpahalaga sa members ng media.

Marami tuloy ang nagtatanong kung kailan naman magpapa-dinner si Piolo Pascual. Ha-hahaha! Napag-usapan din ang iba’t ibang anggulo sa buhay ni Toni,  yung sa lovelife niya – yung tungkol sa controversial na sagot niya on virginity issue sa Abunda & Aquino Tonight and all.

Nakakatuwa si Toni dahil hindi siya nailang sa mga tanong ng press – unlike other stars na nagagalit pag merong medyo controversial topics na naitatanong sa kanila.

Toni answered everything as decently as she can, and naitatawid niya iyon. Kaya dapat lang na suportahan natin ang mga artists like her dahil hindi siya hard on us. Tama? Tama!

Ayan tuloy, sa sobrang kabisihan ni Toni, muntik na siyang hindi makahabol sa thanksgiving dinner niya for the entertainment media. Mabuti na lang at nakahabol siya. Congrats, girl!

Read more...