Patrick Garcia nakalimutan na ang sugal, sigarilyo at alak

MAGKASAMA kami ni kafatid na Roel Villacorta na pumunta sa first birthday ni Chelsea, ang anak nina Patrick Garcia and Jessica Nicole Martinez, na ginanap sa Ballroom B ng Ayala Alabang Country Club last Saturday.

Ganda ng set-up ng huge ballroom – bongga rin ang mga palaro and kiddie shows na personal na inasikaso nina Pat and Jessica and in fairness, well-attended ang celebration – not much from showbiz – mga family friends and relatives.

Of course, nandoon sina Doug Kramer na asawa ni Cheska, sister ni Pat, and their cousin Sharmaine Arnaiz na ka-join namin sa table with Pat’s dad, Tito Pacqui, and Pat’s younger brother na kasing-guwapo rin niya.

Late nang dumating si Mommy Bing Garcia – paalis na kami nang dumating ito – we had to rush kasi to another appointment sa Quezon City kaya hindi na kami gaanong nagtagal sa party ni Chelsea.

Chelsea is a very cute girl, bongga ang motif ng kaniyang party. Very British and ambiance – naka-costume ng royalty sina Pat and Jessica. Ang guwapo-guwapo ni Pat in his blue prince costume.

Sayang nga lang at hindi ko namataan si Alex Jazz, ang panganay ni Patrick kay Jennylyn Mercado. Wala yata roon si AJ, baka hindi pinayagan ni Jennylyn na pumunta or what. Umikot ang mata ko sa kapaligiran pero hindi ko ito namataan.

“Super good boy na si Pat, di ba? Mabait na siya ngayon,” malambing na bulong sa akin ni Tito Pacqui, Pat’s dad. I believe so too. Hindi na siya nagbibisyo, hindi na nagsusugal – not even smoke or drink.

In fairness to him, he looks so clean and serious sa pagiging father ng kaniyang mga anak. I am very happy watching him around taking care of their guests. Sila ni Jessica looked a perfect pair as parents to this cute pretty Chelsea.

Happy birthday, Chelsea. And it’s good to see you, my dear son Patrick Garcia. I am just soooo proud of you baby. Sana magtuloy-tuloy nang ganyan. He-hehehe!

Ayan tuloy, sa sobrang kabisihan ni Toni, muntik na siyang hindi makahabol sa thanksgiving dinner niya for the entertainment media. Mabuti na lang at nakahabol siya. Congrats, girl!

Read more...