Ni Jobert Sucaldito
MAY mga lumalabas na isyu na kesyo si Sam Milby na lang daw ang nag-iisang na-link kay Piolo na hindi pa nagsasalita o umaamin. Wait lang, ano naman ang aaminin ni Samuel in the first place. Yes, we are aware na minsan ay naugnay ang pangalan niya kay Piolo pero nothing transpired between the two. There’s no truth to it. Ayaw ni Nanay Lolit Solis ng ganyan.
Hindi ba’t nakasuhan pa dati si nanay Lolit before because of that? Kasi raw, nagsalita na si Mark Bautista at sinabi raw nitong sanay na siya sa ganitong bintang. Nakiusap lang daw si Mark na hayaan na lang daw natin sina Piolo and KC because this is something very personal. Wala man siyang inamin, pero wala rin siyang denial, ha. Basta ako, mas love ko si Mark kaysa kay Piolo.
Christian Bautista naman commented na ganito raw talaga sa showbiz, kahit siya nga raw ay matagal nang pinagdududahang bading. Kumbaga, hindi na lang daw niya siniseryoso ang isyu sa kanya.
Pero si Sam? Bakit si Sam? He was never Piolo’s boy. Bakit, bading ba talaga si Papa P? Confirmed na ba iyan? Basta ako, I should know better basta si Sam Milby ang involved – I know the whole story kaya 500% sure akong walang dapat itsismis sa kanilang dalawa. Mabait lang ang alaga ko kaya friend siya ng lahat. Iyon lang.