Maja Salvador mas mabait sa fans, Kim Chiu supladita


Magkaiba pala talaga ng personality sina Maja Salvador and Kim Chiu. Ito ang napatunayan ng dancer-friend namin.
Nakuhang one of the dancers ang friend naming si John Ray during the taping of Ina Kapatid Anak.

Bongga ang eksena kasi debut ng characters nina Maja at Kim. Star-struck ang aming friend sa beauty ni Kim, gandang-ganda talaga siya rito.

Kaya naman nang magkaroon ng break sa taping ay hinabol niya si Kim habang naglalakad para magpakuha ng photo.
Our friend was so surprised when Kim said, “Hindi mo ba nakikita, may ginagawa ako, ‘di ba?”

Naloka ang dancer-friend namin. Since napahiya na siya ay bumalik na lang siya sa kanyang dating puwesto kasama ang iba pang dancers-extra.

During break din, nakita ng kaibigan namin si Maja Salvador. Although with hesitation dahil napahiya na nga siya kay Kim ay nilapitan pa rin niya si Maja para magbakasali na makapagpakuha ng photo with her.

To his surprise, naka-smile si Maja at very accommodating, walang arte, walang kiyemeng nagpalitrato si Maja sa kanya. Aliw na aliw ang dancer-friend naming dahil ang inakala niyang suplada ay hindi naman pala.

Sa kanyang katuwaan ay ang daming nai-post niyang photo kasama si Maja. Actually, marami na ring bad experiences ang ilang fans kay Kim.

May pagkasupladita kasi ito at madalas ay wala sa mood kapag may gustong magpa-picture na kasama siya.Hindi ba’t recently ay sila ni Xian Lim ang subject sa blind item ng isang popular website na dinedma ang request for picture ng isang bagets na fan. In desperation nga ng bagets ay nag-iiyak daw ito.

 ( Photo credit to bandera file )   

Read more...