Luis, Angel naglolokohan lang, scripted daw ang love affair


Nagsimula nang magkalamat ang relasyon ng mga karakter nina Angel Locsin at Jericho Rosales sa top-rating at hottest teleserye ng ABS-CBN na The Legal Wife, na gabi-gabing mainit na tinututukan ng TV viewers sa kabila ng late-night time slot nito.

Ayon kay Angel, natutuwa sila sa mainit na pagtanggap ng buong sambayan sa kanilang programa at tinitiyak niyang mas kaabang-abang ang mga susunod na linggo ng The Legal Wife lalo na’t nagkakalapit na ang asawa ni Monica (Angel) na si Adrian (Jericho) sa kanyang kaibigang si Nicole (Maja Salvador).

“Narito kami para magbigay ng isang napakagandang kwento na alam kong lahat tayo ay makaka-relate dahil lahat tayo ay nagmahal na at nasaktan.

Ang ipapakita lang namin sa show ay ‘yung mga totoong nangyayari sa atin, bahala na tayong mamili kung alin ba doon ang tama at alin ang mali,” ani Angel.

Paano tatanggapin ni Monica na ang kaisa-isang lalaking minahal niya ay nagtataksil sa kanya? Ano ang magtutulak kay Adrian para pumasok sa isang espesyal na pagkakaibigan kay Nicole?

Bahagi rin ng cast ng The Legal Wife ang ilan sa pinakamahuhusay na aktor sa larangan ng drama kabilang sina JC de Vera, Joem Bascon, Ahron Villena, Rio Locsin, Mark Gil, at Christopher de Leon.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Rory Quintos at Dado Lumibao.Huwag palampasin ang hottest teleserye sa bansa, The Legal Wife gabi-gabi pagkatapos ng Got To Believe sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Samantala, napansin namin na parang tumahimik na sa pagbabandera ng kanilang pagmamahal sa isa’t isa sina Angel at Luis Manzano.

Meron kayang nag-advice sa kanila na “silence” muna pagdating sa kanilang personal na buhay dahil medyo nagiging nega na sila sa publiko?

Kung merong mga kinikilig sa pagbabalikan nina Luis at Angel ay meron din namang nabubwisit. Para kasing hindi nila masakyan ang love affair ng dalawa.

Iniisip nila na naggagamitan lang ang magdyowa – may nagsabi pa nga na hindi magtatagal ay bigla na namang mag-a-announce ang dalawa na hiwalay na.

Pero para sa amin, mukhang totoo naman ang pagbabalikan nina Angel at Luis, at napi-feel ko na this time, for real na ang kanilang pagmamahalan.

At sa tingin ko naman, hindi nila isusugal ang kanilang malinis na pangalan sa pagsisinungaling at panloloko sa publiko. Dahil kung totoo nga na peke lang ang kanilang relasyon, tiyak na galit at sumpa ang isusukli sa kanila ng mga tao.

Read more...