Eigenmann boys naghahanda na sa hubo’t hubad na pictorial


Hindi raw kailangang mabigyan ng fat memo si Gabby Eigenmann. Challenge kay Gabby to portray a good guy sa early primetime soap ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw weeknights before 24 Oras.

Although mabait daw siya sa last series niya na Mundo Mo’y Akin, may pagka-grey pa rin ito unlike dito sa Paraiso na really good boy siya.

Unlike in the previous times we’ve seen him, fit ngayon si Gabby and he’s making sure he stays that way pero gusto niyang ikorek ang tsismis na ginagawa niya ito dahil nakatanggap din siya ng fat memo from the GMA management.

Unang nakatanggap ng fat memo ang kaniyang pinsang si Geoff Eigenmann and he confirmed na nakatanggap na rin pala ng fat memo ang kapatid niya namang si Sid Lucero pero siya raw, hindi.

Una, pang-leading man nga lang naman ang request dahil they are the main stars samantalang si Gabby, major support lang sa mga ginagawa niya kaya hindi niya kailangang magpapayat but if requested, why not.

As if naman daw ibabalik siya ng GMA sa leading role status, biro ni Gabby sa amin. Kuwentong dagdag lang ni Gabby, kailangan niya rin namang magpapayat dahil may plano silang generation ng Eigenmann to come up with a very sexy pictorial involving all the boys of his family.

Everyone is willing to do the pictorial pero dapat fit and trim sila. May pagkakataon nang mangyari ito dahil AJ Eigenmann is coming back to the country para dito magpakasal and Gabby is trying to schedule the pictorial habang nandito ang pinsan niya.

Read more...