MAHIGPIT daw na ipagbabawal ng malapit nang magpakasal na sina Karylle at Yael Yuzon ang members of the media sa araw ng kanilang kasal.
Gusto raw kasi nilang maging private ang kanilang pag-iisang dibdib and they will just hire an official photographer to take pictures na sila ang mamimili which will be released to the press.
Marami ang nag-react – pinagtatawanan silang dalawa. May nangantiyaw pang nakakahiya naman daw at baka dumugin sila ng press. Merong nagsasabing nagpi-feeling Hollywood stars ang magdyowa with that pronouncements.
Nakakaloka ang mga comments ng marami. Hindi mo talaga malunok ang kanilang mga komento. Ako naman ay natawa rin ng bahagya. Kasi nga, this is no big deal sa aming mga taga-media.
Not because parehong starlets ang dalawang magsing-irog for us, pero you know – honestly, wala naman sa hanay namin ang super-excited sa nalalapit nilang pagpapakasal.
Masakit man pakinggan pero we are not truly interested to cover the wedding para mag-ilusyon silang ilayo ang press sa venue. Oh please…
God forbid. We don’t want to spoil their wedding plans pero gusto lang naming linawin na hindi po kami atat na i-cover ang kasal nila. Kahit bayaran pa siguro kami.
Not even their close friends daw from the press are invited. Sad naman, di ba? Kung paano nila naisip iyon, nakakaawa naman sila. Feeling siguro nila they’re the biggest of stars in this industry para mag-come up with a decision banning the media from the site.
And wait! Di ba sabi nila, they want their wedding to be truly private? Bakit kailangan pa nilang magmudmod ng best wedding shots nila after sa press? Dapat wala nang ganoon para lalong maging private, di ba?
Hayaan na lang sana nilang dumaan ang kasalan nila na parang wala lang. Maglilihim ka na rin lang, panindigan mo na, di ba? Kumbaga sa usapang-kalye, magluluto kayo ng ulam then kayo-kayo lang ang kakain pagkatapos ay babatuhan niyo kami ng mga tinik at buto – ano kayo sinusuwerte?
Para walang problema, kayo na lang din ang magsulat tungkol sa kasal ninyo. Write a nice article and then, pay a space sa newspapers na parang ad.
Hingi na lang kayo ng discount sa ad rate ng dyaryo para magkaroon naman ng mileage ang kasalan ninyo. Puwede! Why not? Huwag niyo na kaming idamay, puwede?
This is soooo funny. Itong sina Karylle at Yael talaga – mga ilusyunada. Akala nila siguro ay pagkakaguluhan nga sila ng press sa araw ng kanilang kasalan.
Basta ang masasabi lang namin, we are not as bad naman as they think, good luck sa kasalan ninyo and have fun.Huwag niyo kaming alalahanin because WE ARE NOT INTERESTED, intiendes? Hasus, ang mga ito – balak pa pala kaming gamitin after ng wedding. Ha-hahaha!
( Photo credit to bandera.ph )