Paulo: Honest ako, di ko lang alam kung paano sasabihin!


IN FAIRNESS, pareho nang honest sa pagsagot sa mga tanong ng entertainment press ang magka-loveteam sa seryeng Honesto na sina Cristine Reyes at Paulo Avelino, ha! Hindi na sila tulad dati na paliguy-ligoy – as in diretsahan na sila ngayon.

Kahit na nga tungkol sa personal nilang buhay ang usisain ng mga reporter, hindi mo sila kakikitaan ng pagkairita o pagkainis na madalas na nae-experience noon ng media sa kanila.

Ayon kina Cristine at Paulo, yan daw ang natutunan nila sa ilang buwang pagtakbo ng nangungunang primetime series sa bansa, ang Honesto na pinagbibidahan din ng bagong Kapamilya child wonder na si Raikko Mateo.

“Honest naman ako,” ang nangingiting chika ni Paulo nang tanungin tungkol sa pagiging totoo. “Kumbaga, noong mga nakaraang taon, I just didn’t know how to communicate.

“Isa ‘yon sa mga what I constantly practice now. I wanna be more open to the press. Dito sa show na ‘to, I’m being honest. Hindi lang honest tungkol sa pera, sa mga materyal na bagay, pati sa totoong nararamdaman.

We should always be honest with how we feel.“Kumbaga, huwag mong itatanggi ang mga nararamdaman mo,” anang binata.
Dagdag ni Paulo, hindi naman daw siya nagsinungaling sa mga past interview sa kanya ng showbiz press, “I always try to be honest naman noon pa.

Isa ‘yan sa mga trait na ipinasa sa akin at itinuro sa akin ng mga magulang ko. “Kumbaga, ang dami ko lang din na-realize at parang mas lumaki ‘yung scope ng nalalaman ko about honesty,” esplika pa ng hunk actor.

Tanggap na ni Paulo na hindi talaga maiiwasan sa showbiz ang matanong tungkol sa kanyang personal na buhay, “Parte rin talaga ito ng trabaho namin.

Kumbaga, it’s a way of giving back din sa mga tao kasi gusto naman nila na may malaman sa personal na buhay namin at ‘yon po ang ibinibigay namin.”

Hirit pa ng binata, kung noon daw ay medyo madali siyang mairita kapag natatanong nang personal, ngayon ay unti-unti na niya itong nababago, “Kumbaga, dati kasi, it’s just about acting lang talaga ‘yong focus ko.

Kumbaga, I just wanna act, bakit kailangang malaman pa ng mga tao ang personal kong buhay? “Pero ngayon, na-realize ko na it’s a different thing. Parte na ng pagiging aktor ko ‘yon.

They see you on TV, they’d want to know who you are. They want to know small things about my life,” sey pa ng Kapamilya hunk.

Read more...