Cristine: Iniinis ko siya para maudlot! pero nagalit siya!


Inamin naman ni Cristine Reyes na minsan na rin siyang “nagsinungaling” o hindi naging honest sa mga tao – ito nga ‘yung panahong magkarelasyon pa sila ni Dennis Trillo.

“Yes, ‘yun yung time na dinenay ko na kami ng ex-boyfriend ko (Dennis), alam n’yo na naman ‘yun. That time kasi, kailangan kong gawin ‘yun. Tsaka, uso ‘yun ganu’n dati, di ba?” natatawang chika ni Cristine.

Wala naman daw nag-utos sa kanila ni Dennis na huwag aminin ang relasyon nila sa publiko, desisyon daw nila ‘yun.
Samantala, mariing idinenay ng sexy actress na dyowa na uli niya si Rayver Cruz.

Wala raw malisya ang friendship nila ngayon. Sa katunayan, inaasar daw niya si Rayver dahil may dine-date itong babae ngayon.“Iniinis ko siya para maudlot. Pero nagalit siya sa akin, ‘di itinigil ko na,” natawang sabi ng dalaga.

Ganu’n din daw kasi ang aktor sa kanya, kapag nabalitaan nito na may idine-date siya, inaasar din siya nito, “Inasar ko lang siya talaga. Hindi ko naman itinuluy-tuloy kasi, ano ‘ko, kontrabida talaga?”

Walang dyowa si Cristine ngayon, at hangga’t maaari, ayaw muna niyang magka-boyfriend uli. Type niyang maging single sa loob ng isa hanggang dalawang taon, “Hindi ko prinapramis sa sarili ko or sa inyo na single ako for two years pero sana magawa ko.”

Anyway, dalawang linggo na lang ang itatakbo ng numero unong serye sa buong bansa, ang Honesto kaya siguradong hindi na ito bibitiwan ng mga manonood.

Sa March 14 na ang last episode nito at sabi nga nina Cristine at Paulo, tulad ng televiewers, marami rin silang natutunang aral sa programa, lalo na sa pagiging honest.

“Honesty ang gusto naming iparating sa mga viewer na kapag honest ka, safe ka parati and ganu’n din ‘yung mismong show. Simple lang ang buhay kung magiging honest ka, hindi lang sa gawa kundi sa puso mo,” huling hirit ni Cristine.

Kasama pa rin sa Honesto sina Eddie Garcia, Janice de Belen, Joel Torre, Nonie Buencamino, Melissa Ricks at marami pang iba. Ito ay napapanood pa rin pagkatapos ng TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

At para sa lahat naman ng nagtatanong sa amin kung posible pa bang magkaroon ito ng extension – wala na talaga. Sabi nga ng mga taga-Dreamscape Entertainment, kahit napakataas pa rin ng rating ng Honesto, kailangan na raw talaga itong tapusin para bigyang-daan naman ang iba pang magagandang proyekto ng ABS-CBN.

Read more...