Julie Anne San Jose, the next Songbird? Aba, ibang level na yata ng ambisyon at ilusyon ‘yan sa kampo ng singer. Actually, nailang si Julie Anne when someone asked her about her reaction na siya na ang ginu-groom ng GMA to be the next Songbird.
While it is true that she is truly a gifted singer ng GMA 7 ngayon ay malabo namang ma-duplicate niya at lalong malabong mahigitan niya ang success ng nag-iisang Regine Velasquez na sa tingin namin ay the GREATEST female singer ng local showbiz.
Yes, she can sing, hit ang records niya but sadly she doesn’t have sold-out concerts pa – wala pa siya sa kalingkingan ng nag-iisang Songbird, ‘no.
No one can SURPASS Regine’s achievements as a singer! Maging ang netizens din naman ay naloka sa walang takot na pagkumpara kay Julie Anne kay Regine.
They were one in saying na she will never be at par with the Songbird, no, not in her lifetime. “Di naman sa kinukwestiyon ko ang kakayahan niya kumanta. kasi magaling din siya. kaya lang napakalabo na siya ang sumunod na songbird. hindi pa nga yan nakakapagconcert sa araneta eh.
“Andami pa nya dapat patunayan bago siya mabigyan ng title. at para sa akin, isa lang ang songbird ng pilipinas. si regine lang yun. mahirap na pantayan ang standard na nagawa ni miss regine. di nga nya matapatan si sarah, si regine pa? Lol” opined one guy.
Oo nga. It makes sense. She’s nowhere near Sarah’s achievements, hindi pa niya naaabot ang kasikatan ni Sarah kaya mas malabong maabot niya ang success ni Regine.
Meron namang obserbasyon ang isang guy who said na, “Pag naka 8x platinum ka na dapat ndi pinapatagal ang concert sa araneta kasi yun ang magiging validation kung talagang malakas talaga siya sa tao. pero bakit hanggang ngayon wla pa ding maglakas loob na producer na magpoproduce ng concert nya sa araneta.
“Kung nasa abs-cbn sya, agad agad baka ngkaconcert na agad sya dun for sure. ndi na yan papatagalin pa ng kapamilya lalo na 8x platinum na sya. eh bakit ang gma nagpapatumpik tumpik pa?” he added.
Good point. Bakit nga ba, GMA?