Sarah kailangang magsuot ng wig, takot mademanda


NAGSUSUOT pa rin ba ng wig si Sarah Geronimo kapag lumalabas siya to attend  parties of friends? Parang. Kasi when we saw her photo together with Rachelle Ann Go, Erik Santos, Jed Madela and Mark Bautista sa send-off party ng una ay napansin namin kaagad ang kanyang mahabang hair.

Hindi ba’t maikli na ang hair ngayon ni Sarah? We saw Sarah’s photo where she was sporting a short hairdo and it suits her. Gandang-ganda kami sa kanya na maikli ang buhok niya.

With that ay nagtataka kami kung bakit kailangan pa niyang magsuot ng wig every time she’s out of the house. Teka, baka galing siya sa shooting ng movie nila ni Coco Martin kaya naman kailangang long hair siya?

Sorry, ha, pero we think na malaking hassle kay Sarah na maikli ang hair niya ngayon. Kailangan pa kasi niyang magsuot ng wig kapag lumalabas siya, baka kasi mademanda pa siya, we believe may kontrata pa siya sa isang shampoo commercial.

She also needs to sport long hair sa kanyang movie. Bakit  kasi nagpagupit ka, Sarah? Sayang ang hair mo, haba pa naman.

Read more...