Benjie ipinagtanggol ang mga anak: Hindi sila bastos!


It took years bago ulit kami magkita ng isa sa favorite naming  PBA legends na si Benjie Paras sa finale presscon ng teleserye nila sa primetime bida ng ABS-CBN na Got To Believe.

Pagkatapos tumigil sa basketball si Benjie, nagkikita pa rin naman kami sa dating show niya sa GMA 7. But after that, ‘di talaga nagtutugma ang pagkakataon na magkita kami.

In fairness, nakita namin ang panahon na kumakaray-karay sa practice ni Benjie with his PBA team before na Shell ang ex-wife niya na si Jackie Forster. Matiyagang nakakulong lang sa kotse ni Benjie noon si Jackie habang naghihintay.

This is the time na puro bold movies daw ang offer kay Jackie ng Regal Films na hindi niya type ayon sa kanyang interbyu noon. Kaya tengga ang career niya at super buntot na lang kay Benjie sa practice.

Ngayon, nasa showbiz na rin ang dalawa nilang anak na sina Andre at Kobe. Kwento sa amin ni Benjie, una niyang dinala sa ABS-CBN ang kanyang mga anak. Pero nahirapan daw ang mga bata sa schedule.

Until now, hindi pa rin okey ang mga anak ni Benjie at kanilang ina na si Jackie. Pero si Benjie okey lang na makipag-usap kay Jackie kung gugustuhin ng dating Regal baby.

Sinasabihan din daw niya ang kanyang mga anak na kausapin si Jackie, after all she’s still their mother. Kahit daw mga negative issues na lumalabas sa mga anak niya, kinakausap niya ‘yung dalawa.

Gaya na lang ng isyu na hindi raw marunong mag-po at opo ang mga anak niya. “‘Yun ang una kong itinuro sa kanila. E, baligtad naman yun.

Gusto mo ipakita ko ‘yung text nila sa akin,” sabay labas ng cellphone ni Benjie at ipinakita ang text messages ng  kanyang anak.
“O, ayan, will I send it to her po? What’s the topic for the video po? Can you call po? Will eat dinner first here po.

Balik ako ng 10 pm po,” basa ni Benjie sa cellphone niya. Kahit daw sa mga kausap ng mga anak niya, nago-opo ang mga bagets, “Yes, hindi totoo ‘yan. ‘Yan, e, ipaglalaban ko.

Sobrang galang ng mga batang ‘yan. Minsan nasasabihan silang mga suplado lalo na nu’ng ibang reporter kasi hindi nila kilala, e. So, pagpasensyahan ninyo na. Ganoon din naman tayo sa umpisa, e,” sey pa ni Benjie.

Feeling blessed and happy naman si Benjie sa pagkakasama niya sa Got To Believe. “At home naman ako sa parehong TV networks, ABS at GMA. Dito lang medyo maganda ‘yung role ko.

Kasi ever since ‘di ba ngayon lang ata ako parang nasa main cast. So, I’m very thankful for ABS and to all the writers na nagbigay sa akin ng opportunity,” esplika niya.

Sumikat daw ulit siya dahil sikat ‘yung show. Kaya naman everywhere siya magpunta ngayon Papa Bear na ang tawag sa kanya na name niya sa Got To Believe.

Sad to say, hanggang March 7 na lang mapapanood ang Got To Believe. So, don’t miss the remaining episodes ng kilig-serye ng ABS-CBN.

Read more...