Aljur, Louise nilamon ng malaking alon habang nagte-taping ng Kambal Sirena


HIYANG-HIYA pala si Aljur Abrenica nang mag-trending ang isang litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account.
Kuha ang nasabing picture sa taping ng bago niyang fantaserye sa GMA 7, ang Kambal Sirena kung saan makakatambal niya for the first time si Louise delos Reyes.

E, kasi naman, talagang takaw-pansin ang nasabing larawan kung saan makikitang naka-wet suit si Aljur. Kuha ‘yun sa taping ng Kambal Sirena sa Ocean Adventure sa Subic, Zambales, kung saan gumaganap ngang may-ari ng resort ang hunk actor.

Ayon sa mga followers ng binata na nakakita ng kanyang sexy picture, talaga raw nagmumura ang bukol ni Aljur. May mga nagsabi pa nga na tiyak na hindi palalagpasin ng mga beki ang Kambal Sirena dahil dito nila pwedeng “silipan” si Aljur dahil karamihan nga sa eksena nito sa serye ay nakahubad ang aktor.

In fairness, mas lalong naging delicious ngayon ang boyfriend ni Kylie Padilla. Ayon naman sa isang girl na patay na patay kay Aljur na nakakita rin sa sexy picture ni Aljur sa Instagram, “Grabe! Ang swerte swerte talaga ni Kylie! Daig pa niya ang nanalo sa lotto! Gwapo na si papa Aljur, gifted pa! Felix Bakat!”

At dahil nga sa mga komentong ito ng mga netizens, nahiya bigla si Aljur at biglang tinanggal ang nasabing picture sa kanyang Instagram.

Tingin namin, mas naging katakan-takam pa ang katawan ngayon ni Aljur, at nalaman namin na bago sumalang ang Kapuso hunk actor sa taping ng Kambal Sirena ay kinarir niya nang bonggang-bongga ang pagpapaganda ng katawan.

Samantala, laking pasasalamat naman ng production staff ng Kambal Sirena na walang nangyaring masama kina Louise at Aljur nang mag-taping sila sa Bolinao, Pangasinan kamakailan kung saan kinunan ang ilang eksema nila para sa teaser-trailer ng kanilang fantaserye.

Balita kasing nilamon ng malalaking alon ang magka-loveteam habang sila’y nakalublob sa dagat malapit sa may batuhan. Buti na lang daw naka-harness that time si Louise kaya hindi siya natangay palayo mula sa kanyang kinalalagyan.

Si Aljur naman ay napalayo kay Louise. Buti na lang daw, hindi pa masyadong malalim ang dagat at nakuha pa niyang lumutang matapos tangayin ng alon.

Magkakaroon din ng mall show ang cast ng Kambal Sirena ngayong 4 p.m. sa Lucky Chinatown Mall.

Read more...