Lloydie natakot sa muling paghaharap nila ni Anne?


Na-disappoint ang press nang hindi nakadalo si John Lloyd Cruz sa presscon ng Century Tuna Superbods 2014. Silang dalawa sana ni Anne Curtis ang haharap sa media bilang mga celebrity endorsers ng nasabing produkto.

‘Yun sana ang unang pagkakataon na makikita sila together in public pagkataos ng kanilang “sampalan scandal”, kaya hinayang na hinayang ang mga pumunta sa nasabing event.

Hindi kaya natakot lang si Lloydie sa paghaharap nila uli ni Anne sa harap ng media? O, talagang umiwas lang siya na pagpiyestahan na naman uli ang iskandalong kinasangkutan nila?

Ang sabi ng organizers, nagpapagaling pa si Lloydie matapos na maaksidente sa bike nang mag-taping sila para sa summer station ID ng ABS-CBN.

Si John Lloyd nga ang isa sa mga papapayatin ng bagong programa ng Century Tuna – magiging katulong naman niya si Anne sa pagpapaganda ng kanyang katawan.

Tinanong si Anne kung kumusta naman ang shoot nila ni Lloydie together sa kabila nga ng issue sa kanila, “Okay naman ‘yung shoot namin, fun naman. We were joking na okay this is it… kaya kaya.”

Sa tingin ba niya kaya ni John Lloyd na maging hunk sa loob lang ng anim na linggo? “I think he’s very determined to have that transformation. I think everyone is looking forward to that kasi kaka-inspire ‘yan no?

Kaka-inspire rin for all the guys out there who think that they can’t workout kasi ito ngang si John Lloyd kaya eh kayo pa kaya?”
At bilang huling mensahe niya para sa Kapamilya actor na nagpapagaling pa rin daw hanggang ngayon after the bike accident, “Yes, yes good thing he’s okay at least okay siya.

‘Yun kaya mo ‘yan JL you’ll get through this and I’m looking forward to seeing you again for this project.”

( Photo credit to E Santiago )

Read more...