Patrick ginagawa ang lahat para maging mabuting ama


ONE-year-old na ang second child ng baby nating si Patrick Garcia today kaya meron siyempreng magarbong handaan ngayon. The baby is named Chelsea and is so beautiful dahil parehong metsizo at mestiza ang parents niya, di ba?

I will be there of course dahil na-miss ko ang baby kong si Patrick and during the time na magdyowa pa lang sila ng mommy ni Chelsea, madalas silang dumalaw sa bahay namin. Madalas siyang nagpapaluto sa pinsan kong si Manang Miling ng maraming tuyo.

Patrick loves tuyo very much – nakakaapat o limang tuyo ito pag kumain sa bahay. Aliw na aliw ako sa kaniya sa pagkain ng tuyo kahit gamit ang kubyertos – ako kasi, I cannot eat tuyo with spoon and fork – kailangang nakakamay pero si Pat, he has a way of eating it graciously with a spoon and fork. Ayaw siguro niyang lumansa ang kanyang kamay. Ha-hahaha!

It’s been a while since the last time na magkita kaming mag-ina-inahan ni Pat. Nu’ng birthday ko pa yata ang last when I had a show sa isang venue sa Tomas Morato. Pero nagti-text naman kami once in a while.

Busy rin kasi siya sa taping niya ng panghapong seryeng Annaliza when he was still with the show pero since tigok na ang kaniyang role doon, malamang na mapapadalas ang pagkita namin ng paborito kong bagets.

Congrats Pat sa new baby mong ito. Alam kong magiging isang responsableng ama ka sa iyong anak and I know you’re doing everything to be the best dad sa baby mo.

Pero, tanong ko lang, makikita ko rin kaya ang panganay ni Pat na si Alex Jazz (anak nila ni Jennylyn Mercado) sa first birthday ni Chelsea? Wish ko lang. Na-miss ko rin kasi ang panganay kong apo sa kaniya.

Read more...