OKLAHOMA CITY — Kinamada ni Kyrie Irving ang 14 sa kanyang 31 puntos sa ikaapat na yugto para tulungan ang Cleveland Cavaliers na talunin ang Oklahoma City, 114-104, kahapon at ipalasap sa Thunder ang ikatlong sunod na pagkatalo magmula noong All-Star break.
Umiskor si Jarrett Jack ng 21 puntos, si Spencer Hawes ay nagdagdag ng 19 puntos at si Tristan Thompson ay nag-ambag ng 11 puntos at 11 rebounds para sa Cavaliers, na pinutol ang three-game losing streak.
Tumira ang Cleveland ng 14 for 21 mula sa field sa ikaapat na yugto laban sa Western Conference leader Thunder.
Nagtala si Kevin Durant ng 28 puntos, 10 rebounds at siyam na assists, si Russell Westbrook ay nag-ambag ng 24 puntos at siyam na assists at si Serge Ibaka ay nagdagdag ng 16 puntos at 13 rebounds para sa Thunder. Ang Oklahoma City ay may 0-3 karta magmula nang bumalik si Westbrook mula sa knee surgery.
Clippers 101, Rockets 93
Sa Los Angeles, gumawa si Blake Griffin ng 23 puntos at 16 rebounds habang si Darren Collison ay kinamada ang pito sa kanyang 19 puntos sa huling 2:09 ng laro para ihatid ang Los Angeles Clippers sa panalo laban sa Houston Rockets.
Nagwagi naman ang Clippers sa ikaanim na pagkakataon sa walong laro at nakagawa ng 30 puntos mula sa 20 turnovers ng Houston. Si DeAndre Jordan ay nagtala ng 13 puntos at 10 rebounds para sa kanyang 30th double-double.
Si Jamal Crawford, na nagtala ng season-high pitong 3-pointers noong Martes sa panalo sa New Orleans, ay tumira ng 1 for 6 mula sa rainbow area laban sa Rockets at inilabas ng tuluyan sa laro may 13 segundo ang nalalabi sa first half bunga ng left calf strain. Siya ay nakagawa ng walong puntos sa 15 minuto.
Gumawa si Dwight Howard ng 23 puntos at 11 rebounds habang si James Harden ay nag-ambag ng 18 puntos para sa Rockets.
Bulls 103, Warriors 83
Sa Chicago, si Taj Gibson ay umiskor ng 21 puntos habang si Carlos Boozer ay nag-ambag ng 15 puntos at 13 rebounds para pamunuan ang Chicago Bulls sa panalo kontra Golden State Warriors.