Biro nga ng isa naming friendship, hindi raw kaya ‘nakulam’ itong si Luis kaya ganyan niya kamahal si Jen? As in talaga raw kasing adik na adik ang TV host-actor sa aktres.
In fairness, lucky charm ang turing ni Luis kay Jennylyn, sabi kasi ng aktor mula raw nu’ng maging sila ng Kapuso actress ay sunud-sunod na ang swerteng dumarating sa buhay niya.
Bukod daw kasi sa patuloy na pagdating na trabaho sa kanya ay nanalo pa siya sa 2011 Golden Screen TV Awards ng ENPRESS bilang Outstanding Adapted Reality/Competition Program Host para sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN.
“Yes, totoo, siya talaga ang lucky charm ko. Maging sa proyekto o nagagawaran ng award, she is my lucky charm,” chika ni Luis sa isang interview.
Dagdag pa ng aktor, “Yes, mas inspirado ako, sabi nga nila ay blooming daw ako, siya ang rason!”
Kapansin-pansin din ngayon ang kaseksihan ni Jennylyn, at in fairness, blooming din ang dalaga, “Kasi, she is a very, very hard worker pagdating sa kanyang physique.
Gumigising iyan ng 5 a.m. para tumakbo. She is very determined talaga na ma-maintain ang kanyang form.” Balitang kayang-kaya na rin daw niyang pakasalan anytime si Jen dahil secured na ang kanyang future.
Bukod kasi sa kaliwa’t kanang business ni Luis ay marami na rin daw siyang naipundar na properties.
“Hindi naman. Hindi naman kasi talaga ako old rich, at kung ano man iyong nae-enjoy ko ngayon ay pinaghirapan ko at pinaghirapan din ng pamilya ko,” pahayag ni Luis kasabay ng pagsasabing wala pa naman daw sa priorities nila ni Jen ang magpakasal.