Honesto matindi ang impluwensiya sa bagets

PAULO AVELINO AT RAIKKO MATEO

IBA talaga ang dating ni Raikko Mateo na mas kilala bilang si Honesto, siya kasi ngayon ang ginagaya ng mga bagets sa pagsusuot ng bonnet.

Akala namin ay dahil malamig lang ang panahon noong nakaraang taon at nitong pagpasok ng 2014 kaya naka-bonnet ang mga batang nasasalubong namin sa malls lalo na pag weekend at nu’ng nagpunta kami sa Baguio (obviously, malamig naman talaga roon) – iyon pala ay ginagaya si Honesto.

Kaya namin nabuking bossing Ervin ay dahil katanghaliang tapat nu’ng isang araw ay may batang naglalakad na naka-bonnet na papasok sa eskuwela, kasama ng bata ang tagapag-alaga niya na pilit na pinatatanggal ang bonnet dahil ang init-init daw.

Narinig naming sabi ng bagets, “Ayaw! Honesto ang tawag sa akin ng kaklase ko!”

Imbes na mainis kami sa bagets dahil sinagot niya nang pabalang ang yaya niya, e, natawa na lang kami! Isipin mo bossing Ervin, ang laki ng impluwensiya pala ni Honesto sa mga bata. Kaya naisip namin, sana nga nangyayari sa tunay na buhay ang paglaki ng ilong ng mga bagets kapag nagsisinungaling. Ha-hahaha!

Anyway, tiyak na maraming bagets ang malulungkot kasi magtatapos na ang Honesto at marami na ring nagtatanong sa amin kung ano ang next project ni Raikko. Ang lagi naming isinasagot, tatanungin namin ang Star Magic.

Read more...