Deniece, Roxanne may laban pa rin kay Vhong kung…

DENIECE CORNEJO, VHONG NAVARRO AT ROXANNE CABANERO

Isa pang pasabog ang sinasabi nitong allegedly rape victim na si Deniece Cornejo na twice raw siyang ni-rape ng kaibigan nating si papa Vhong Navarro. Pasabog pero kumbaga sa isang paputok sa New Year, “supot.”

Susme, hindi pa nakuntento sa tinatamasa niyang saglit na kasikatan ang starlet na ito at may-I-cry pa siya ng bagong anggulo sa kaso nila. Ayaw magpatalbog sa isa pang alleged rape victim number two na si Roxanne Cabanero?

Tawa nga kami nang tawa sa naging guesting ni Atty. Lorna Kapunan sa Abunda & Aquino Tonight dahil klaro nitong ipinaliwanag ang mga sakop ng bagong depinisyon ng “rape”.

Hindi nga lang daw ito isyu kung may “penetration” o pamimilit at mayroong pagtutol sa panig ng babae o lalaki (yes, babae man o lalaki ang nag-aakusa), kundi ang pagpasok ng kahit na anumang bagay (buhay man o anupaman) sa kahit na anong butas mayroon sa katawan ng isang tao.

Sa mga inilarawan nina Deniece at Roxanne, pasok sa banga ang mga kuwento nila laban kay papa Vhong. Palpak nga lang si Deniece na “nadalawahan” pa pala kaya’t kukuwestyunin natin yung elemento ng “pagpayag” o “pagtutol.” Yung kay Roxanne naman, halos perfect na sana, pero sablay ang petsa at lugar ng pagsasamantala raw sa kanya ni papa Vhong, isama pa ang isang “witness” niya na diumano’y sumalungat pala sa statement ni Roxanne.

For sure, mayroon pa silang lulutang na ibang mga anggulo at iba pang babaeng sisigaw ng rape. Iyan ang matatawag nating pakikipaglaro sa justice system ng bansa!

Samantala, balitang magsasampa na rin ng perjury at libel si Vhong laban kina Deniece at Cedric Lee at malamang pati na rin kay Roxanne. Lagot na!

Read more...