’Kahit sino na lang yata pwedeng akusahan ng rape si Vhong!’

VHONG NAVARRO

Nagmukha na ring sarsuwela ang usaping kinasangkutan ni Vhong Navarro. Napakarami na kasing nakikisawsaw sa kontrobersiya, kung sino-sino na ang nadadamay, tuloy ay nagmumukha nang katawa-tawa ang mga pinakahuling pangyayari tungkol sa iskandalo.

Hindi pa humuhupa ang mga ibinibigay na kuwento ni Deniece Cornejo na sumisigaw na dalawang beses daw siyang ni-rape ni Vhong (not once, but twice daw!) ay meron na agad sumunod, ang isang Roxanne Acosta Cabanero, na sa pananaw ng mas nakararami nating kababayan ay mukhang hindi naman nagrepaso ng kanyang asignatura kaya puro butas ang mga ibinibigay na impormasyon tungkol sa pangre-rape din daw sa kanya ni Vhonggy.

Ang dalawang babaitang ito ang palaging kuwentuhan ngayon sa mga umpukan, kahit saan ka magpunta ay silang dalawa ang pinagpipistahan, kung totoong nakakagat ng tao ang kanyang dila kapag siya ang pinag-uusapan ay baka parehong pipi na ngayon sina Deniece at Roxanne.

Nagbigay na ng kanyang affidavit si Vice Ganda tungkol sa kabuuang naganap nu’ng April 24, 2010, ‘yun ang sinasabing petsa ng ikalawang babae nang diumano’y halayin siya ni Vhong sa kotse, pero soplak siya kaagad dahil naglabas ang kampo ni Vhong ng ebidensiya na napakaimposibleng mangyari nu’n!

At hindi lang basta pruweba, maraming ebidensiya talaga, kaya napahiya ang babaeng nanggaling sa kung saan na bigla na lang nagsisigaw na siya rin daw ay ni-rape ni Vhong Navarro.

Sarsuwelang-sarsuwela na talaga ang itsura ng iskandalong ito, kahit sino na lang yata ay puwede nang makisigaw at pagbintangan si Vhong Navarro na ni-rape din siya, nakakaloka!

Read more...