Daniel nagbayad ng P40-M para sa bagong mansyon


NAKARAOS na naman ng isang malaking “raket” si Daniel Padilla. Twenty nine weeks sa ere ang teleserye nila ni Kathryn  Bernardo sa Primetime Bida ng ABS-CBN na Got  To Believe.

Ilang weeks na lang ay magba-babu na sina Joaquin at Chichay, ang mga karakter nina Daniel at Kahryn sa said series.
Tatapusin ni Daniel ang serye until March and then makakapagpahinga na siya ng ilang linggo bilang paghahanda sa nalalapit niyang concert na pinamagatang “‘Daniel Padilla Live 2014!” sa Araneta Coliseum on April 30.

Sa April din magaganap ang paglipat ni Daniel at ng kanyang pamilya sa bago nilang bahay na according to our source ay nagkakahalaga ng P40 million! Dagdag pa ng aming source, tapos na raw bayaran ni Daniel ang naturang bahay.

Kaya ang tanong, ano naman kaya ang susunod na pagkakagastusan ni Daniel. Siguro naman ay may magandang plano na ang mga nag-aalaga sa kanya kung ano ang susunod na investment ng bagets.

Ang tsika ng aming source, ipun-ipon daw muna si Daniel after ma-fully paid ang mansion nila ng kanyang mom na si Karla Estrada.

Pagkatapos ng concert, lilipad naman si Daniel para sa series of shows sa Europe with Yeng Constantino sa  Mayo. Ilang key cities din ang pagtatanghalan ni Daniel doon.

At pagbalik niya ng Pilipinas, sisimulan na ang bago niyang pelikula sa Star Cinema na “She’s Dating The Gangster” directed by Cathy Garcia Molina.

Speaking of Direk Cathy, marami ang pumuri sa ABS-CBN/Star Cinema sa mahusay na director dahil naipalabas niya ang galing ni Daniel sa pag-arte.

Dahil dito, bibigyan ng isang espesyal na episode si Daniel sa Maalaala Mo  Kaya. Balita namin sasabak daw ng husto sa aktingan si Daniel sa kanyang kauna-unahang episode sa longest drama anthology on TV.

Read more...