Juday handa nang magpabuntis uli kay Ryan


Super happy na ipinagdiwang ng butihing ina ni Judy Ann Santos na si Mommy Carol ang kanyang kaarawan sa The Crowd Bar and Resto last Sunday.

Kumpleto na naman ang barkada ni Mommy Carol na mga classmates niya noon sa Araullo High School. Syempre, ayaw i-reveal ni Mommy Carol ang kanyang age.

Pero dahil sa mga classmates niya na nagto-throwback kahit hindi naman Thursday that night, e, makukwenta na rin namin kung ano ang edad niya.

But that’s immaterial na kung pagmamasdan naman ang itsura ni Mommy Carol. Aba’y nagro-rossy cheek pa ang kanyang face at pumayat siya, huh! No wonder, may ilang male classmate niya sa batch niya ang may type sa kanya.

Why not? Mommy Carol deserves to be happy since all of her children naman ay may kanya-kanya na ring pamilya. ‘Yun nga lang, we heard, tila ayaw ni Juday na mag-asawa pa ulit ang kanyang mommy.

Pero feeling naman namin kung meron talagang magse-seryoso na lalaki at mapatunayan ni Juday na mahal talaga si Mommy Carol, e, tiyak papayag na rin siyang mag-asawa ulit ang kanyang ina.

Anyway, 4 p.m. pa lang ay nandoon na si Juday sa The Crowd para asikasuhin ang party ni Mommy Carol. Pero hindi na siya nagpagabi pa sa party dahil need daw niyang umuwi ng maaga dahil walang kasama sa bahay nila ang mga anak nila ni Ryan Agoncillo.

On a personal note, gusto na rin palang magkaroon uli ng baby ni Juday. Kahit daw si Ryan ay gusto pa ng ikatlong anak kaya raw pinaghahandaan na rin nila ito. Hindi raw muna siya tatanggap ng maraming trabaho.

Sey pa ni Juday, ang priority daw niya talaga ngayon ay mabuntis uli kaya sa mga fans niya, mukhang hindi muna siya makakagawa ng bagong teleserye sa ABS.

Read more...