NAGBAKASYON si Mariel Rodriguez sa hosting stint niya sa Will Time Big Time ng TV5 two weeks ago para sa out of town trip at para bigyan ng sorpresa ang asawang si Robin Padilla dahil kaarawan nito.
Pero dalawang araw lang silang nanatili sa isang resort sa Batangas dahil itinakbo na siya ni Robin sa Asian Hospital kung saan siya nanatili ng limang araw.
“Nagchi-chill na kasi ako, so Robin insisted na dalhin na ako sa hospital,” say ni Mariel ng kumustahin namin kahapon.
Nagkaroon daw ng sepsis o bacteria sa blood si Mariel, “It’s serious, nakakamatay daw. UTI (urinary track infection) to kidney infection.
Wala naman akong naging problema sa pag-wiwi, sobrang sakit lang ng lower back ko, tapos high fever at ‘yun nga nanginginig ako. But, I’m okay now.”
Back to work na si Mariel at sa katunayan ay may bazaar siya sa World Trade Center na nagsimula nu’ng Biyernes at tatagal hanggang Linggo (Dec.18), “Pag may time kayo, try ninyo pumunta, maraming items sa bazaar, marami kami roon,” pag-anyaya ni Mariel sa amin.