Maja, Matteo naghiwalay na rin?

Dahil nga ba sa muling pag-eksena ni Coco Martin?

SO, after ng hiwalayang Piolo Pascual at KC Concepcion, sina Maja Salvador at Matteo Guidicelli naman daw ang nag-break? Base sa mga natatanggap naming mga chika, ang madalas daw na pag-aaway ng dalawa ang naging rason ng kanilang supposedly separation.

Ayon sa mga kumakalat na balita, nag-decide na raw ang dalawa na maghiwalay matapos ang paulit-ulit nilang pagtatampuhan na madalas nga raw nauuwi sa matinding pagtatalo.

Isa pa raw sa rason kung bakit nag-break sina Maja at Matteo ay dahil sa kawalan ng oras sa isa’t isa.

Pero sa isang interview kay Matteo, sinabi nitong hindi pa naman daw sila tuluyang naghiwalay ni Maja, pero inamin nitong may pinagdadaanan din ang kanilang relasyon.

Sabi pa nga raw ni Matteo, “Nagulat nga ako, ang bilis lang kumalat ng mga maliliit na stories.

 

But I’m sure Maja and I will fix whatever it is. Nothing to worry about. But I haven’t spoken to her, she’s busy pa and we have to talk pa.”

“Siyempre, may mga problema, hindi maiwasan. Normal lang ‘yun, pero okay naman. ‘Yun lang ‘yun,” dagdag pa ng binata.

Ayon naman sa kampo ni Maja, talaga raw wala na ang dalawa, at si Maja raw ang nakipaghiwalay kay Matteo.

Pero sa story conference raw ng bagong teleserye ni Maja sa ABS-CBN, tinangkang kunan ng pahayag ang aktres tungkol sa issue ng hiwalayan pero ayaw daw nitong magsalita.

Hindi kaya totoo rin ang nasagap nating chika na sweet na sweet daw sina Maja at dati nitong leading man na si Coco Martin nu’ng magpunta sila sa Canada for a series of shows?

Kaya siguro malakas ang loob ni Coco na makipag-close uli kay Maja dahil nalaman niyang break na ang aktres at si Matteo?

At kung ikokonek natin ang mga chikang ito sa sinasabing tweet ni Maja kamakailan, posibleng totoo ngang wala na sila ni Matteo. Ayon kasi sa tweet ni Maja, “It’s over…!” ‘Yun na!

Read more...