WE ARE NOT READY TO GIVE UP —GUIAO | Bandera

WE ARE NOT READY TO GIVE UP —GUIAO

- , February 25, 2014 - 12:00 PM

NORMAL na para kay Rain or Shine head coach Joseller “Yeng” Guiao na punahin ang mahinang pagkatao ng kanyang mga manlalaro.

At nagpakita naman ng katibayan ang mga Elasto Painters sa huling bahagi ng PLDT myDSL PBA Philippine Cup Finals.

“Don’t ever show a sign that you’re ready to give up,” sabi ni Guiao sa mga Elasto Painters.
“Or else, it will be the end of your career.”

At ipinakita naman ng mga Elasto Painters ang matibay na saloobin matapos nilang tapyasin ang race-to-four na Finals series sa 3-2 nang maitakas ang 81-74 pagwawagi laban sa San Mig Coffee Mixers noong Linggo.

Pinangunahan naman ni Jeff Chan ang ipinakitang tibay ng loob ng Elasto Painters at sinundan naman siya nina Chris Tiu, Beau Belga, Gabe Norwood at Jireh Ibañes na nagpakita ng husay sa kanilang paglalaro.

Bagamat masama ang kanyang shooting sa naunang apat na laro, nakuha namang muli ni Chan ang kanyang bitaw sa Game Five para magtapos na may 24 puntos, kabilang ang 10 diretsong puntos sa kaagahan ng ikaapat na yugto kabilang ang mahirap na turnaround jumper na tuluyang nagpataob sa Mixers.

“Never show me that you’re gonna give up in these series, even in your body language,” sabi pa ni Guiao, na asinta ang ikalawang titulo ng prangkisa at kauna-unahang All-Filipino crown.

“I told them that if they’re discouraged because we’re down, they just need to keep that to themselves,” dagdag pa ni Guiao. “They cannot show that to the rest of the team.”

At wala pa ring mababago para sa Elasto Painters kung ‘mental approach’ papasok sa Game Six bukas ang pag-uusapan.

Para naman kay San Mig Coffee coach Tim Cone at sa Mixers habol nila ang kasaysayan sa tangka nilang tuluyang tapusin ang serye.

Ang pagkubra ng isa pang titulo ni Cone ay magiging daan para malagpasan niya si Virgilio “Baby” Dalupan, na katabla niya na may 15 kampeonato.

Para sa mga Mixers, ito ay magiging ika-11 nilang korona para sa kanilang prangkisa at ikalawang all-Filipino title magmula noong 2010.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“We’ll try to delay or postpone the celebration of San Mig. If we can delay it enough, it could be our celebration,” sabi pa ni Guiao.

Subalit naniniwala naman si San Mig Coffee forward Marc Pingris na kayang tapusin ng Mixers ang seryes bukas kung magagawa nila ang tamang adjustments sa laro.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending