Clippers pinataob ang Thunder | Bandera

Clippers pinataob ang Thunder

- , February 25, 2014 - 12:00 PM

OKLAHOMA CITY — Ipinakita ng Los Angeles Clippers na isa sila sa mga palaban sa NBA Western Conference title matapos pataubin ang conference leader Oklahoma City Thunder, 125-117, sa pangunguna ni Jamal Crawford na umiskor ng 36 puntos.

Bunga ng panalo, umangat ang Clippers ng tatlong laro sa itaas ng Pacific Division habang natapyas ang kalamangan ng Thunder sa Northwest sa 4 1/2 laro ang angat sa Portland Trail Blazers, na nagawang makabangon laban sa Minnesota Timberwolves, 108-97, kahit wala ang leading scorer nitong si LaMarcus Aldridge.

Sa iba pang laro kahapon, naungusan ng Houston Rockets ang Phoenix Suns, 115-112, habang tinambakan ng Miami Heat ang Chicago Bulls, 93-79, kahit wala si LeBron James.

Itinala rin ng Clippers ang pinakamataas na iskor ng isang koponan laban sa Oklahoma City ngayong season kung saan nag-ambag din si Matt Barnes ng 24 puntos.

Bagamat nagawang makabangon ng Oklahoma City mula sa 15-puntos na paghahabol sa huling bahagi ng ikatlong yugto para kunin ang 115-112 bentahe may 2:43 ang natitira sa laro nakabawi naman ang Clippers para muling kontrolin ang laban mula rito.

Si Kevin Durant ay kumamada ng 42 puntos at 10 assists para sa Thunder, na hindi nagawang makuha ang kanilang  momentum magmula noong All-Star break.

Dumikit naman ang Houston sa dalawang laro sa Southwest Division matapos malusutan ang Phoenix nang makapagbuslo si Patrick Beverley ng go-ahead 3-pointer may 34.3 segundo ang nalalabi sa laro.

Naghulog din si Beverley ng dalawang free throws para umangat ang kalamangan ng Houston sa 113-110 may 20 segundo bago nakaiskor si Goran Dragic mula sa isang layup para tapyasin ito sa 113-112 may 14.7 segundo sa laro.

Naipasok ni Donatas Motiejunas ang dalawang free throws may 14.1 segundo ang natirira sa laro para isara ang scoring.
Gumawa si Dragic ng career-high 35 puntos para sa Suns subalit sumablay siya sa kanyang tres sa pagtunog ng buzzer.

Umiskor si Dwight Howard ng 25 puntos para sa Rockets, na naghabol sa 10 puntos sa pagpasok ng ikaapat na yugto.
Dinurog naman ng Miami ang Chicago kung saan nagtulong sina Chris Bosh at Dwyane Wade.

Si Bosh ay nagtala ng 28 puntos at 10 rebounds habang si Wade ay nag-ambag ng 23 puntos, 10 rebounds at pitong assists para sa Heat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending