Leadership solusyon sa katiwalian sa BOC

PAANO mo nga ba susugpuin ang katiwalian sa isang ahensiya ng pamahalaan kung ang sistema mismo ang tiwali? Ito ang dinatnang nandudumilat na katotohanan ni Deputy Commissioner Ariel Nepomuceno sa Bureau of Customs bilang pinuno ng Enforcement Group. Pero hindi siya nawawalan ng pag-asa na masosolusyunan ito.

Nakausap ko kamakailan lang si Nepomuceno through a common friend at noong una ayaw pa niyang magpa-unlak ng panayam pero kalaunan, nagkuwento na rin, nagsalita na rin.

May pinaghuhugutan ang agam-agam niya hindi lamang sa panayam kundi sa mismong posisyon na kung saan siya naglilingkod ng higit dalawang buwan na. “Una, kung anumang mayroon ka at naipundar mo bago ka naupo rito, naroon ang posibilidad na mag-isip ng iba ang mga tao. Kaya dapat na lalo mong pangalagaan ang iyong pangalan,” kuwento niNepomuceno na bukod sa naging Director at Executive Officer ng Office of Civil Defense ng Department of National Defense ay may matagal ng sariling negosyo at kabuhayan.

“In the end, you live by and serve with your values as a person dahil talagang reality ang katiwalian dito na parang kung ayaw mong sumama, puwes pabayaan mo kami.”

Ngunit sa kanyang higit dalawang buwang pagkakaupo, sinabi ni Nepomuceno na may nakikita siyang pag-asa sa puntong ang sistema mismo ang unti-unting binabago ngayon.

At paano ba mababago ang sistema na sinasabing tiwali?

Anya: “Ang susi, nasa leadership. Any reform in any organization for that matter, the key is always in the leadership. Kapag nakita sa liderato, doon susunod ang critical mass. At ang tinutukoy niyang critical mass, yung mismong nasa loob – silang mga kawani.

Kuwento pa ni Nepomuceno, ang reporma na ikinakasa ngayon sa BOC ay makikita sa tinatawag na value reference na dati rati, walang malinaw na simula at hangganan, yung tipong pasok na pasok ang human intervention and manipulation at nakalawak ng latitude. “Tipo bang dahil sa kawalan ng malinaw na value reference, lumikha ng atmosphere na madaling mag-negosyo,” pagpapatuloy pa ng Deputy Commissioner. It may appear like a minor reform but in essence, it minimizes if not totally take away the opportunity for making corruption. Malaking adjustment ang pagkakaroon ngayon ng common value reference na ipinatupad na aniya ng bagong liderato ng BOC sa pamumuno ni Commissioner John Philip Sevilla pero ito yung sistema ng pagbabago na kapag yun na ang nakakasa at matibay na ipinatutupad, yun na ang magiging sistema.

“That’s why I say that any anti-corruption campaign is a leadership issue. Kapag nag-set-up ka ng environment ng reform, the employees will have no other option but to conform with reform dahil iyon na ang sistema,” paliwanag pa nito.

Read more...