Zsa Zsa kay Karylle: Bigyan mo agad ako ng apo!

ZSA ZSA PADILLA AT KARYLLE

Seems like, pine-pressure na ni Zsa Zsa Padilla ang anak na si Karylle na mabuntis agad dahil gustung-gusto na raw niyang maging lola.

Last Sunday sa ASAP, buong-ningning na sinabi ng Divine Diva na type na niyang magkaroon ng apo. In less than a month kasi, ikakasal na si Karylle sa vocalist ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon. ASAP gave her a “bridal shower” where Zsa Zsa and other Kapamilya singers performed on stage.

Mangiyak-ngiyak pa si Zsa Zsa sa said production number, probably dahil panganay na anak nga niya si Karylle and very soon ay kukunin na nga ito ng lalaking pakakasalan.

So, feeling pressured naman si Karylle na magpabuntis agad kay Yael?!

Read more...