Gelli umaming nag-aaway din sila ni Ariel: Buti na lang di kami umabot sa hiwalayan!

GELLI DE BELEN AT ARIEL RIVERA

Natutuwa kami kay Gelli de Belen dahil simula nu’ng nakilala namin siya noong bagets pa siya sa Viva Films hanggang ngayong asawa na niya si Ariel Rivera sa loob ng 16 anim na taon at nabiyayaan na nga ng dalawang anak na lalaki, ay hindi pa rin nagbabago ang itsura niya pati ang katawan.

Biro namin sa komedyana, “Bakit hindi ka pa rin nagbabago, ganyan pa rin ang itsura mo?” Nagkita kasi kami sa taping ng Confessions of A Torpe sa La Concordia College, Sta. Ana, Manila nu’ng nakaraang Huwebes.

“Ano ba ‘yan, is that a good sign that there is preservation?” tanong sa amin ni Gelli at sabay sabing, “Siguro kasi sabi nila pag happy (buhay), e, ganu’n, happy ako.

“Siyempre may mga disagreement din kami (ni Ariel) minsan, may mga tense, pero thank God, I’m blessed, salamat kasi hindi kami umabot sa hiwalayan. Siguro natuto siyang maigi,” kuwento ni Mrs. Ariel Rivera.

Samantala, nabanggit namin na kung hindi nagbago ang itsura niya, ganu’n din ang asawa niyang aktor na suplado pa rin lalo na kapag presscon ng TV project niya na kaagad umaalis after ng question and answer.

“Hindi, kung alam n’yo lang, mas suplada ako ro’n,” pagtatanggol ni Gelli kay Ariel.

Dagdag pa, “Ganyan siya talaga, maski sa party, ayaw niya ng pumupunta sa party. Paminsan-minsan lang, o kaya sasabihin niya, ‘May sakit ako.’ Hindi lang niya trip ‘yung maraming tao, mas gusto lang niyang mag-stay sa bahay kasama ang mga kids o kaya naggo-golf siya, ganu’n lang.”

At ang bonding moment nilang mag-asawa ay kapag natatrapik sila sa daan, “Kapag hinahatid at sundo namin ang mga bata, my God ang tagal no’n, kaya sa trapik ang bonding moments namin sa araw-araw, kaming dalawa lang ‘yun.”

Samantala, sa 16 taong pagsasama nina Ariel at Gelli ay hindi pala sila sanay na may Valentine’s day, “Kasi di ba si Ariel, parati siyang may show kapag Valentine? Even this Valentine (last Feb. 14), he had a show, so hindi kami talaga sanay na nagdi-date kami ng Valentine, minsan date kami on the 15th, but most of the time, wala,” pagtatapat ng isa sa leading lady ni Ogie Alcasid sa Confessions of A Torpe ng TV5.

Tatlo ang programa sa TV5 ni Gelli, ang Confessions of A Torpe na eere na sa Marso 3, Tropa Mo Ko Unli at Face The People.
Tungkol naman sa mga anak nila, may hilig din bang mag-artista ang mga bata? “Wala, eh. Sports ang hilig nila, ‘yung isa baseball, ‘yung isa basketball. Pero mahilig naman silang manood ng DVD sa bahay. ‘Yung isa mahilig maggitara, pero walang nakamana kay Ariel sa singing-singing.

“Malay natin, kasi si Ariel, late bloomer ‘yan, mga 20 something na nu’ng nadiskubreng kumakanta siya. Hindi nga alam ng magulang niyang kumakanta siya. Ganu’n siya ka-late bloomer.

“Pero kung type nilang mag-artista, e, okey lang basta nakapagtapos na sila ng pag-aaral nila, walang problema sa akin. Kung ano gusto nila pasukin, go!” say ni Gagay.

At higit sa lahat, masuwerte si Gelli kay Ariel dahil hindi ito babaero, “Thank you Lord, alam mo kung bakit, kasi tatay niya, maayos sa pamilya, kaya sinasabi ko sa mga pamangkin ko, bago kayo pumili ng inyong mapapangasawa o boyfriend, look at their family first how they were brought up, look at your boyfriend how he treats his mom and his father and then you will see if he is worth it,” katwiran ng aktres.

Samantala, sa Confessions of A Torpe, na kay Gelli ang puso ng kuwento at gagampanan niya ang isang principal sa eskuwelahan na may gusto kay Tupe (Ogie) na bestfriend niya, pero ang gusto

Read more...