HOROSCOPE February 25, 2014 | Bandera

HOROSCOPE February 25, 2014

Madam Sophia - February 25, 2014 - 03:08 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Kahit mahina ang loob, marami ang naniniwala sayong kakayahan ngayon na ang panahon para ipakita ang iyong talento. Mas mabilis na palarin sa pinansyal at pag-ibig, kung magsusuot lagi ng kulay na green. Mapalad ang 1, 4, 28, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Shari-Gama-Om.” Bukod sa green buenas ang yellow.
 
Aries – (Marso 21-April 19)—Ipagpatuloy ang pasisipag abot kamay mo na ang tagumpay. Sa pag-ibig ituloy lang ang walang maliw na pagmamahal sa isang Libra. Sa pinansyal, wag titigil hangga’t hindi pa  yumayaman. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Mapalad ang 7, 11, 20, 29, 45, at 49. Red at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Wag hayaan mawala ang minamahal dahil pagiging abala sa trabaho. Maglaan ng oras para sa kasuyong Virgo. Isipin mo,  aahin ang maraming salapi kung masisira naman ang inyong relasyon. Mapalad ang 3, 9, 15, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Darshana-Jehana-Om.” Lilac at pink at buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Maraming sopresa ang buhay! Pagkatapos ng lungkot, ligaya naman ang kasunod. Sa pinansyal sa susunod na buwan, mas maraming biyaya ang kusa ng darating. Sa pag-ibig lalong mag-iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Lirba. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34, at 41. Silver at gold ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magsasawalang kibo kana lang. Kung matutunang ilabas ang tunay na damdamin mas magiging maligaya ka. Sa pinansyal, kung magpapakatotoo ka mas madali kang uunlad at yayaman. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana.” Lilac at purple ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Habang umiinit ang panahon, isa-isa ng matutupad ang iyong mga pangarap.  Sa pag-ibig ituloy lang ang pakikipag-relasyon sa isang Aries.  Mapalad ang 1, 4, 18, 26, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Pink at gold  ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Ang nararamdaman mo sa iyong ka-Facebook ay totoo. Gumawa na ng paraan kung ayaw mong maunahan ng iba. Sa pinansyal, hindi ka liligaya kung lagi mong itinatago at ipinagdadamot ang iyong pera. Mapalad ang 1, 5, 14, 23, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at white ang buenas.

 
Libra – (September 23-October 23)—Sa pag-ibig, dahil sa taglay mong ka-artehan mahulog ka na naman sa immoral na relasyon. Supilin ang libido ng kamunduhan. Sa pinansyal, kapag nakapag-concentrate ka sa pera sa halip na sa kalibugan, mas madali kang yayaman.  Mapalad ang 3, 13, 22, 34, 40 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala.”  Red at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Kung hindi masyadong pinapalad sa pinansyal, sa pag-ibig, napakaswerte mo naman, dahil sa kabila ng lahat nasa tabi mo palagi ang kapareha na umuunawa at nagmamahal sayo. Mahalin mo rin siya at pahalagahan. Mapalad ang 1, 10, 28, 31, 40 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Lilac at blue ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)— Laging lumapit kay Lord anoman ang iyong maging prolema. Tandaang malaki ang nagagawa ng panalangin.  Kapag lagi kang lumalapit kay Lord sa pag-ibig at materyal na bagay, unti-unti ka ng liligaya at uunlad. Mapalad ang 8, 17, 25, 30, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum Suryaye Maneh!” Beige at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—       Higit na pangibabawin ang paghahangad ng salapi upang mas madaling yumaman ang pamilya. Kailangang maunawaan ito ng iyong kasuyo upang hindi naman siya magtampo. Ipaliwanag sa kanyang kaya ka nagpapayaman ay para din sa inyong future. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Om.” Black at maroon ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—   Iwasang ang pag -iisip ng negatibo, tandaang sa sariling kakayahan at sa biyaya ng Poong Maykapal makakamit mo rin ang iyong layunin sa buhay. Sa pag-ibig may mainam na relasyon sa darating na Marso.  Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Rama-Krishna-Krishna.” Green at yellow ang buenas na kulay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—   Makakaramdam ka ng pagkahabag sa sarili kung bakit ikaw na lang ang laging inaasahan. Talagang ganon ang buhay mabait ka kasi! Laging tandaang sa taong mabait at mapagbigay darating ng kusa ang mas maraming biyaya at tagumpay. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Sivler at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending