Solenn: Wala nang patawad ang magnanakaw ngayon!

SOLENN HEUSSAFF

Wala nang pinapalampas ang kawatan, say ni Solenn Heussaff.

Wala pa rin kaming makuhang magandang picture sa costume ni Solenn sa Adarna bilang Ibong Adarna dahil napakaganda talaga nito so better watch na lang the soap after Eat Bulaga. Second to the last week na ang Adarna sa GMA TeleBabad, at papalitan na ng isda ang ibon, ang Kambal Sirena. Solenn plays dual role, ang Ibong Adarna and si Dayana. Ayaw pang aminin ni Solenn kung sino ang makaka-partner niya in the end either as the taong ibon or the normal person.

Although magkakasunod ang naging interview namin kay Solenn, first time namin siyang nakausap tungkol sa nakawan sa bahay niya dahil marami kaming katanungan about this. Una, sa Forbes Park nakatira si Solenn and her family for the past 30 years.

Ang sagot ni Solenn, kahit nga sila nagulat dahil never daw nagkanawakan sa Forbes Park, wala raw bahay sa pinakamayaman na subdivision sa Pilipinas na may CCTV dahil they never thought they would use this.

Ang suspetsa nila, tagalabas dahil kung dati, walang nakatira sa likuran ng Forbes Park, sa pagtayo ng The Fort, nagkaroon ng ganitong nakawan sa subdivision nila. Mabuti na lang daw walang tao sa bahay nang ninawakan sila at sa kuwarto niya lang nakapasok sa bahay to get her laptop, some money and some jewelry. Ang mga kasambahay nila, nasa kabilang bahay so kapag wala raw tao sa bahay nila, nandoon lang sa servants quarter ang mga kasambahay kaya hindi nalaman ang nakawan.

Read more...