Elmo, Janine magdyowa na…pero pinagbawalang umamin sa publiko

ELMO MAGALONA AT JANINE GUTIERREZ

Halos umamin na sina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Umupo nang sabay ang mag-partner sa Villa Quintana ng Afternoon Prime ng GMA after Eat Bulaga, and immediately, naging instant fans ang mga kasamahan namin sa panulat nang first time namin silang nakitang kinilig, pumalakpak, nagtawanan at naiyak sa naging revelation ng dalawa.

Admittedly, kahit kami kinilig sa kanila dahil first time na sumagot this close sina Elmo and Janine sa estado ng relasyon nila.

Ang unang tanong kasi sa kanila, diretsahan –kung sila na ba? Ang sagot ni Elmo, gusto niya si Janine. Remember, in the past two relationships of Elmo, ang hidden affair niya with somebody and his love team with another, never siyang naging open.

Standard na nga kay Elmo noon to answer anyone when asked na he has no comment on the matter. But this time, kaharap pa si Janine, inamin nitong gusto niya ang partner niya.

Dahil Elmo item lang muna ito – bukas na ang Janine side na nakakakilig din promise – isa pang tanong kay Elmo, paano kung may nalaman si Elmo na nagpapaligaw pa si Janine. Ang sagot niya, he will be hurt na parang he’s not worth it pa raw para magpaligaw si Janine. So kayo na ang tatanungin namin kung ano na talaga ang estado nina Elmo and Janine behind the camera, hindi ba sila na talaga, pero bawal pang umamin?

Read more...