Pokwang biglang nagmukhang bagets, may ipinaretoke sa face? | Bandera

Pokwang biglang nagmukhang bagets, may ipinaretoke sa face?

Julie Bonifacio - February 25, 2014 - 03:00 AM

POKWANG

SIMPLENG-SIMPLE ang hitsura ng komedyanteng si Pokwang nu’ng dalawin namin sa taping ng Maalaala Mo Kaya. Wala siyang halos make-up but in fairness mukhang batang-bata naman siya, huh!

“Alam ninyo naman sa MMK, bawal ang make-up. Para makatotohanan, ‘di ba,” bungad ni Pokwang habang naghahanda for her next take.

Biniro tuloy namin siya na baka may ipinagawa siya sa kanyang face kaya bagets na bagets ang itsura niya ngayon, “Walis tingting! Ano ba kayo?”

Feeling excited si Pokwang sa pagti-taping ng first episode niya for this year ng MMK na ipapalabas na ngayong Sabado, “Kasi yearly talaga, hindi pwedeng wala akong MMK,” diin niya.

Kasama ni Pokwang sa episode na ito si Emilio Garcia bilang asawa niya. Meron silang pitong anak na gagampanan nina Beauty Gonzales, Marco Gumabao, Celine Lim, Aaron Junatas at ang apo ni Susan Roces at anak ni Sen. Grace Poe na si Brian.

“Kasi nga si Emilio tsumitsikboy. Tapos hanggang sa ending, hindi ko pinaalam sa mga bata na wala na talaga kami ng tatay nila. Pinalabas lang namin na nagtatrabaho siya sa probinsya. So, binuhay ko ang mga bata na ako lang mag-isa sa pamamagitan ng pag-aalok ng arrozcaldo. Very ako, ‘di ba?”

Ibinalita naman ni Pokwang na sa March 24 na ang inaabangang teleserye niya with Julia Barretto, ang Mirabella. Nauna nang tsinika ni Pokwang sa amin na this month ang pag-ere ng Mirabella.

“Kasi maganda ang takbo pa ng Annaliza. Saka meron pang naganap na mga revision sa script,” ngiti ng komedyana.

Hindi naman daw siya naiinip lalo pa’t tuluy-tuloy naman ang taping nila at marami na silang nabangko na episodes. Kaya kahit umalis siya ng bansa on April 9 for her shows sa Canada from April 11 to 13, e, kampante ang production staff ng Mirabella. And then, on May 16 aalis ulit siya ng Pinas para mag-shoot naman ng bago niyang pelikula for TFC sa San Francisco.

“Kasama ko si Zanjoe Marudo diyan. Alam ko binobongga pa ‘yung script. Wala pang title pero ipapadala ‘yung script within this week. Basta ang alam ko lang 60% English ang dialogue ko. Kaya, you know, I have to practice my English. Ha-hahaha!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero bago siya umalis, magde-debut muna ang kanyang unica hija na si Maye on May 10, “Motiff ng debut niya? Gusto niya Katy Perry, may candy-candy, may catfish, may kung anong pa-cute,” nakakunot-noo na tsika ni Pokwang na syempre ‘di na siya maka-relate sa trip ng anak niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending