Vice handang tumestigo para patunayang di rapist si Vhong

VHONG NAVARRO AT VICE GANDA

Handang tumestigo si Vice Ganda sa panibagong rape case na kinakaharap ngayon ng kanyang kaibigang si Vhong Navarro.

Nagsalita na si Vice sa Buzz Ng Bayan nu’ng Linggo tungkol sa nasabing kaso, at pinanindigan nito na kasama niyang nag-show ang komedyante sa Cavite nu’ng gabing diumano’y ginahasa ni Vhong si Roxanne Cabanero (April 24, 2010).

Ayon kasi sa salaysay ni Roxanne, ni-rape siya ng TV host-actor noong gabi ng April 24, 2010 somewhere in Pasig, ngunit marami ang nagpapatunay na kasama ni Vice ang komedyante sa Island Cove Resort Park sa Cavite para sa show nito.

“Usually po sa mga concert ko ang nakalagay po sa poster at mga ticket 8 p.m. pero hindi naman po ako lagi nakakapagsimula on time lalo na kung yung venue eh minsan pinupuno pa. Sigurado po ako na hindi po 8 nagsimula ‘yung concert na ‘yun.

Pinakamaaga na alas-nuwebe o 9:30. Eh mahaba po ako mag-concert.”

“So kung nagsimula po ako ng alas-nuwebe maaaring matapos ako ng alas-dose o minsan higit pa ‘pag napapasarap at si Vhong

Navarro po siya lagi ang last guest ko kasi siya ang pinakamalaki ang pangalan, siya ang pinakasikat kaya siya ‘yung last guest,” kuwento ni Vice.

Dagdag pa ng Phenomenal Box-Office star, “Kasama ko siya sa finale number kasi kaputukan po ng Showtime nun, first season po ng Showtime nun so pang-finale ko kumakanta ako lagi ng Showtime theme song kasi sumasabay ‘yung tao at kasabay ko si Vhong na gumagawa ng finale number.”

Huling banat pa ni Vice, “Ang concern ko kay Vhong dahil siya ‘yung malapit sa akin at meron akong alam sa puso ko na maaaring makatulong sa kanya dahil may bitbit akong katotohonan na maaaring magbigay-linaw sa iniisip ng mga tao.”

Read more...