Napanood ko ang guesting ni kaibigang Atty. Raymund Fortun sa Gandang Gabi Vice last Sunday and we found it really off. Good for the show dahil nagkatuwaan sila pero it didn’t look good for our lawyer-friend na alam naman nating siyang nag-represent sa controversial na si Cedric Lee pero bumitaw din after a while.
Napaglaruan ni Vice Ganda nang husto si Atty. Fortun – pinakanta, pinasayaw at pinagsalita ng gay lingo. Nakakapanliit lang yung portion kung saan napag-usapan nila ang medium of language na ginagamit sa korte – English. Tinanong ni Vice Ganda si Atty. Fortun kung paano na lang yung mga hindi bihasa sa Ingles – like Kapampangan and Bisaya. Sinagot naman ni Atty. Fortun ito – sinabi niyang may translator sa court. Sinundot ni Vice kung gumagamit rin ba sa korte ng gay lingo, what if may bading na akusado or nasa defense? Maaari raw kayang magamit ang gay language?
Merong tinawag na bading si Vice sa stage and obviously there was a script sa idiot board na binasa nila in full gay language sa isang court setting. In-act out nina Atty. Fortun at nu’ng bading ang conversation na iyon and whew! We found it very off.
Watching Atty. Fortun in a full-gay tongue with matching innuendos, baklang-bakla ang aura ni kaibigang Atty. Fortun.
“Overkill ang guesting na iyon ni Atty. Fortun. It didn’t speak well for him. Obvious na obvious that he did it para makatulong na mabura ang galit sa kaniya ng netizens dahil kumampi siya noon kay Cedric Lee. Hugas-kamay siya and on national TV pa na pinaglaruan nila ni Vice Ganda ang isyu. I won’t discount the possibility na makakatanggap na maraming threats si Atty. Fortun mula sa kampo ni Cedric with that guesting.
“Sinayang niya ang respectability niya as a topnotch lawyer, yung sinasabi niyang 25 years niyang pagiging abogado ay parang nauwi lang sa isang bangungot. How sad. Nagpagamit si Atty. Raymund sa show para paglaruan lang siya actually,” anang isang kaibigan naming duoktor.
Well, kaniya-kaniya lang talaga ng diskarte sa buhay. Kung anong trip na iyon ni Atty. Raymund Fortun, that’s his at wala na tayong magagawa. Kung kami ang tatanungin niyo about it – it was truly a mess. Nakakalungkot ngang isipin, di ba?
Hindi namin ma-imagine that someone of his stature would put himself sa isang alanganing sitwasyon and seems like he enjoyed that TV appearance. Kailangan ba talaga niyang gawin iyon? May balak din bang maging artista si Atty. Raymund Fortun. How declasse, huh!