Tulong ng lalaki (2)

Sulat mula kay Emely,  ng Barangay Poblacion, Bislig City
Problema:
1.      Muntik na akong hindi nakapagpa-enrol sa susunod sa semestre dahil sa kakapusan ng pera.  Mabuti na lamang at pinautang ako ng aking kaibigang lalaki.  Dinagdagan niya ang pera para makabili rin ako ng ilang gamit at nahihiya akong humingi ng dagdag pa.  Wala na sa lalawigan ang aking kaibigan at dahil sa problema sa katahimikan sa Mindanao ay marami kaming estudyante na nawalan ng trabaho.
2.    Nangangamba ako na baka sa susunod na enrolment ay hindi na talaga ako makababayad ng matrikula.  Hindi na rin ako makababayad ng utang sa aking kaibigan at mas lalong nakakahiya kung sasabihin ko naman sa kanya ang aking problema.  Paano ko mababayaran ang aking utang? Makahahanap kaya ako ng bagong trabaho?  Pangarap ko talagang maging guro.  Matutupag kaya ito?
Umaasa,
Emely, ng Barangay Poblacion, Bislig City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) ang nagsasabing paulit-ulit sa iyong karanasan, habang ikaw ay nag-aaral ay laging may tutulong at aasiste sa iyo upang makatapos ka hanggang ang nasabing lalaki na isinilang sa zodiac sign na Aries ang siya mo nang maging boyfriend.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing ang taong laging tumutulong sa iyo na nagtataglay ng birth date na 8, 17 o kaya’y 26, ang siya mo ngang magiging boyfriend at mapapangasawa sa bandang huli. Subalit bago mangyari iyon, tulad ng inaahasan, makakatapos ka muna ng pag-aaral bilang isang teacher.
Graphology:
Ang magandang career, kapalaran at love life sa susunod na mga taon ay madali namang kinumpirma ng maganda at maayos mong lagda. Ibig sabihin, ang lahat ng problema at mga suliraning kasalukuyan mong nararanasan ay pawang magiging pansamantala lamang. Dahil tulad ng nasabi, kusang masosolusyunan sa darating na mga araw ang problema mong pangmateryal hanggang sa suwabe at tuloy-tuloy ka na ngang makapagpatuloy ng kurso mong Education.
Huling Payo At Paalala:
Emely, ayon sa iyong kapalaran, tiyak na ang magaganap, kung wala ka mang kapera-pera sa ngayon at iniisip mong huminto na sa pag-aaral o kaya’y maghanap ng trabaho, hindi mangyayari ang iniisip mong iyan. Sa halip, mula sa ibayong dagat ay may darating na malaking halaga para sa pag-aaral mo. Tulad ng naipaliwanag na, ito ay manggagaling sa isang taong dati nang tumutulong sa iyo at paulit-ulit at lagi ka pa rin niyang tutulungan, hanggang sa makatapos ka ng pag-aaral. Sa bandang huli, ang lalaking nabanggit na may initial na R.G. ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang maunlad at maligayang pamilya.

Read more...