HOROSCOPE, February 24, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Opposite sex ang magbibigay ng suwerte! Kung babae ka, maghanap ng lalaking nakasuot ng kulay asul. Siya ang magpapalasap sa iyo ng ligaya at mag-aabot ng maraming pera. Kung lalaki ka naman, babaeng nakapula ang iyong hanapin. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Marah-Batah-Mara-Om.”
Aries – (Marso 21-April 19)— Huwag kainipan ang pagyaman, kusang darating iyan sa edad mong 45 pataas. Sa pag-ibig, hindi dapat apurahin ang kasuyo, darating ang panahong kusa din siyang bibigay. Mapalad ang 6, 15, 21, 27, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Slowly but surely!” Lilac at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Maging bukas palad. Kapag kumikita ng malaking halaga, abutan ng pera ang mga taong walang maasahan sa buhay. Sa pag-ibig, sa pagiging mabait makakatagpo ka rin ng true love. Mapalad ang 3, 16, 24, 33, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Una-Salus-Om..” Red at green ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Hindi dapat maglabas ng malaking halaga ng salapi na hindi mo naman tiyak ang patutunguhan. Sa pag-ibig, matamlay ang kasuyo, yayain siyang kumain ng hugis bilog na kapag hiniwa ay nagiging tatsulok! Mapalad ang 5, 14, 24, 33, 42 at 46. Mahiwaga mong manrta: “Aum-Biscit-Victoria-Venit.” Maroon at blues ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Kahit na marami ka ng pera alam mo bang hindi ka magiging maligaya? Ang kaligayan ay matatagpuan sa pagtulong sa kapwa. Tulungan ang isang ka-dugo na nangangailangan ng pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 29 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Ba-Banam-Ke-Balam.” Beige at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—   Huwag magyabang! Panatiliin ang pagiging low profile upang hindi ka kainggitan. Sa pag-ibig, laging magpakabait sa paningin ng minamahal upang higit ka pa nyang kalugdan. Mapalad ang 9, 18, 24, 38, 42 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Perfer-Et-Makdu-Om.” Violet at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Huwag tingnan ang kapintasan ng kapwa! Kikita ng malaking halaga kung laging pupurihin ang ginagawa ng iba. Sa pag-ibig, kahit na pumapangit ang kasuyo at nagkaputi na ang buhok hindi dapat magbago ang iyong pagmamahal. Mapalad ang 7, 18, 27, 36, 39 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dum-Vita-Est-Me-Om.”  Purple at maroon  ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Huwag ubusin ang oras sa kape-Facebook! Panahon na upang magtipid ng  kuryente. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo kapag nalaman niyang na-supil mo na ang pagging adik sa internet.  Mapalad ang 6, 14, 28, 37, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Silver at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Hindi dapat manghinayang! Kahit hindi naisagawa ang magagandang balak ay hindi pa naman huli ang lahat! Sa pag-ibig, mamayang gabi bigla ang magaganap, masarap na romansa ang malalasahan.  Mapalad ang 2, 13, 26, 29, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Cras-Credos-Om.” Magenta at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Kikita ng mas malaking halaga kung imbis na sila ang asahan, ikaw mismo ang dumiskarte. Sa pag-ibig, hindi ibang tao ang magpapaligaya sa iyo kundi sarili mo rin. Yayain ang kasuyo sa isang malamig at tahimik na silid. Mapalad ang 4, 13, 28, 34, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aut-Vincer-Amori-Om.”  Green at yellow ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—  Isang medyo maikli ang buhok, pa-square ang hugis ng mukha ang magbibigay sa iyo ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig, sa sandaling nakapag-asawa ka ng kayumanggi ang kulay ay yayaman ka na. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Ashana-Om.” White at apple green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Upang huwag kang maunahan ng katamaran, gawin mong mabilis ang lahat ng bagay upang mas mabilis kang yayaman. Sa pag-ibig, maraming umaaligid sa iyong kasuyo kaya sunggaban mo siya agad upang huwag nang makawala pa! Mapalad ang 5, 18, 23, 27, 32 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bhra-Dosya-Om.” Sky blue at silver ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—  Sa linggong ito ay dalawin ang mga kapamilya! Isang kadugo ang mag-aabot sa iyo ng malaking halaga. Sa pag-ibig, sa pagbabalik probinsya matatagpuan ang true love. Mapalad ang 7, 11, 22, 35, 41 at 47. Mahiwag mong mantra:  “Aum-Ispiro-Om.”  Green at white ang buenas.

Read more...