Mark umaming may anak na, nag-sorry sa fans

NALULUHANG umamin si Mark Herras na meron na siyang anak sa pagkabinata. Kasabay nito humingi rin siya ng tawad sa lahat ng mga taong nasaktan niya, lalo na sa mga fans na patuloy na sumusuporta sa kanya.

Sa interview  ng Startalk sa Kapuso actor, “Sa lahat ng mga taong naniniwala at sumusuporta sa akin, sana huwag kayong magalit sa akin, umaamin ako ngayon sa harapan ninyo, sinasabi ko ang lahat, para malaman ninyong mahal na mahal ko si Ada (pangalan ng bata).”

“Alam ko ang nagawa kong mali. Alam kong malaking kasalanan ‘yung nagawa ko. Pero nariyan na ‘yung baby eh. Hindi ko naman puwedeng sabihin na kalimutan ko ‘yung baby at piliin ko sila di ba.

Dugo ko po ‘yung bata. Anak ko po ‘yun. Ako po ‘yung daddy,” sey ni Mark.Nangako naman ang aktor na magiging mabuti at responsableng tatay sa kanyang anak at sana raw ay matanggap ng mga taong nagmamahal sa kanya ang katotohanan na isa na siyang ama.

Tinanong ng Startalk si Mark kung bakit ngayon lang siya lumantad at umamin, sagot ng aktor, “Sa totoo lang po kasi, magulo ang utak ko, naging pasaway ako, pero naalala ko po ang pagmamahal ng mga magulang ko sa akin, kaya sabi ko, ito rin ang pagmamahal na ipapasa ko sa anak ko.”

Dagdag pa niya, “Opo marami akong nagawang kasalanan, pero isa lang po ang masasabi ko, hindi ko iniisip na kasalanan si Ada. Anak, sorry, lumabas ako ngayon, nagsasalita ako tungkol sa iyo, dahil mahal na mahal kita.

I promise to be a good and responsible father to you. Pahabol pa ni Mark, “Ada Im so sorry kung natagalan kitang aminin sa lahat ng tao. Pero I promise you and to your mom na I’ll be there always to support you sa lahat ng bagay hanggang sa paglaki mo, hanggang sa mag-aral ka na.

Nako Ada mahihirapan kang magkaroon ng boyfriend dahil ako ang tatay mo. Mahihirapan ka, seryoso ako roon.” Hindi pinangalanan ni Mark ang nanay ng bata, pero ayon sa balita, ito’y handler niya at mas matanda ng limang taon sa aktor. Hindi rin daw nagsasama ang dalawa.

( Photo credit to Entertainment Inquirer.Net )

Read more...