Roxanne Cabanero wala nang maipakitang mga ebidensiya na ginahasa siya ni Vhong


Umiiyak-iyak pa ang babaeng sumisigaw ngayon na nilapastangan din ni Vhong Navarro ang kanyang pagkababae nu’ng 2010.
Ang sabi ni Roxanne Acosta Cabanero ay ‘yun na raw ang maituturing niyang kahindik-hindik na pangyayaring pinagdaanan niya.

Tama ang kanyang sinabi na para sa isang babaeng nagpapahalaga sa kanyang puri at dignidad ay pinakamatindi na ang mahalay, pero mukhang may butas ang kanyang mga salita, 2010 pa pala naganap ang sinasabi niyang paglapastangan sa kanya ni Vhong Navarro ay bakit ngayong 2014 lang siya nag-alsa ng boses?

Selektibo ang kanyang pagsigaw, apat na taon pagkatapos siyang diumano’y gahasain, saka lang siya sisigaw at magrereklamo na ginawa ‘yun sa kanya ng actor-dancer-TV host?

Hindi namin minamaliit ang pagkababae ni Roxanne, alam namin kung gaano kahalaga ang dignidad para sa isang babae, kaya lang ay kailangan niyang tanggapin ang masasakit na komento ngayon tungkol sa kanya dahil sa napakatagal na pala niyang dinadalang problema pero ngayon pa lang niya naisipang pakawalan sa publiko.

Hinihingi sa kanya ng korte ang mga diumano’y text pa rin sa kanya hanggang ngayon ni Vhong, pero ang kanyang dahilan, binura na raw niyang lahat ‘yun dahil meron na siyang boyfriend ngayon.

Lalong pinagtawanan ng marami ang kanyang dahilan, wala naman pala siyang maipiprisintang ebidensiya, pero bakit pa siya sigaw nang sigaw para lalong madiin si Vhong?

Pinili niyang magsalita ngayon at maglantad ng kanyang reklamong rape laban kay Vhong Navarro, kailangang handa rin ang kanyang loob sa mga maaaring ipatikim sa kanya ng mga tagasuporta ng aktor, may maniniwala sa kanyang mga sigaw at marami ring hindi maniniwala sa mga pinagsasasabi niya.

Parehas lang ang laban.

Read more...