Type n’yo ba: Daniel, Kathryn hindi magkakatuluyan sa Got To Believe?


Balik-tsikang showbiz tayo. Nakakalungkot na 10 araw na lang pala mapapanood ang Got To Believe, ang paborito ng anak kong si Neeyong na gustung-gusto sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

In fairness kapatid na Ervin natutukan namin ang soap na ito dahil bonding time na namin ‘yun ni Neeyong bago siya matulog. At kahit may out of town work ako, kailangang nagkukuwentuhan kami sa phone para lang pag-usapan kung napabalik na ba ni Cristina Tampipi a.k.a. Chichay (Kathryn) ang alaala ni Ryan a.k.a. Joaquin (Daniel).

Gusto namin ang peg ng hitsura ni Daniel bilang si Ryan. Elegante at disente. We have to understand naman Kathryn’s character kasi artist nga siya sa kuwento.

Anyway, matindi ang pinagdaanan ng kanilang love story at sa takbo ng kuwento, mahirap sabihin kung sila pa rin ang magkakatuluyan in the end, lalo’t may peg ang soap na hindi na mare-revive ‘yung lost memory ni Joaquin.

Naalala namin bigla ang kuwento ng “Starting Over Again” movie nina papa Piolo Pascual at Toni Gonzaga (we actually liked the movie and had praises for Piolo, Iza at Toni and the rest of the cast) na hindi talaga posible ang second chances lalo na’t nanggaling ito sa mapait at masakit na kahapon.

Sa kaso ng nasabing movie, Piolo ended up with Iza at sa Got To Believe naman, may ibang girl na ipinaglalaban din si Ryan/Joaquin.

“What the mind forgets, the heart remembers,” ang laging mensahe sa bawat episode ng soap na idinidirek ng mahal naming tugang na si direk Cathy Garcia-Molina.

Pero posible kayang hindi magkatuluyan sa ending ng GTB sina Joaquin at Chichay? Naku, kung mangyayari ito, tiyak na magwawala sa galit ang Kathniel fans.

READ NEXT
Lex Talionis
Read more...