Kylie bawal tumodo sa halikan; Binoe, Aljur nagkaayos uli


Nilinaw ni Kylie Padilla ang isyung magkaaway ngayon ang tatay niyang si Robin Padilla at boyfriend na si Aljur Abrenica. Totoong nagtampo si Binoe sa Kapuso hunk actor pero hindi naman daw ito umabot sa galit.

May chika kasi na inutusan daw ni Binoe si Kylie na hiwalayan na si Aljur matapos nga nitong dedmahin ang premiere night ng pelikula nilang “Sa Ngalan Ng Ama Ina At Mga Anak”.

Mabuti pa raw si Kathryn Bernardo (na inimbita ni Daniel Padilla) ay dumating pero si Aljur talagang dedma raw. Paliwanag ni Kylie, nagkausap na raw sina Binoe at Aljur tungkol dito, may prior commitment daw kasi ang binata kaya hindi na ito nakarating, pero in fairness daw sa dyowa niya, umapir daw si Aljur sa mga na-schedule na block screening para sa movie.

Ang babaw naman daw kung ‘yun lang ang dahilan nang galit ng tatay niya. Sey pa ni Kylie, maligaya siya ngayon dahil maayos na maayos ang relasyon nila ni Aljur, pati na rin ng kanyang tatay.

Pero aniya, mukhang naimbiyerna na naman si Robin dahil sa kissing scene nila ni Geoff Eigenmann sa teleserye nilang Adarna sa GMA TeleBabad.

Sey ni Kylie, hindi raw kasi siya nagpaalam kay Robin na makikipaghalikan siya kay Geoff, pero ganu’n lang naman daw silang mag-ama, she knows naman daw na naiintindihan nito ang kanyang trabaho.

Pero sey ni Kylie, hanggang ganu’n lang ang kaya niya, bawal pa ang todo-todong love scene. In fairness, maganda pa rin ang rating ng Adarna nina Kylie, Geoff, with Mikael Daez, Benjamin Alves, and Solenn Heussaff kaya hindi na kami magtataka kung ma-extend pa ito sa GMA Telebabad.

 

Read more...