HOROSCOPE, FEBRUARY 22, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Ang pangungulit ay isang sangkap upang lumigaya at  umunlad. Kulitin ang minamahal hanggang makuha mo ang iyong gusto. Sa pinansyal,  wag kang titigil hanggang hindi yumayaman!  Mapalad ang 7, 17, 25, 34, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “I will persist until I succeed!” Yellow at green ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) – Tanggalin ang pride,wag ng patagalin ang di pagkakaunawaan sa pagitan ng minamahal. Sa pinansyal, habang patuloy kang nagpapakumbaba, lalong madadagdagan ang kinikita. Mapalad ang 9, 15, 24, 33, 35, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.”  Violet at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) –  Ang hina ng loob at pagiging mahiyain ang hadlang kaya hindi ka umuunlad. Sa pag-ibig, alisin ang pagiging mahiyain upang ikaw ay ganap na lumigaya. Dagdagan pang lalo ang  lakas ng loob upang kumikta ng maraming pera. Mapalad ang 3, 6, 24, 34, 44, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Amor-Cito-Amor-Teneo-Om.” Red at lilac ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21) – Upang mawala ang pag-aalinlagan, ngayon palang i-priority na ang mga pangarap. Isa lang ang dapat mong maging layunin – ang yumaman. Sa pag-ibig, ipriority ang pakikipag-relasyon sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 28, 38, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” White at black ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) – Pahalagahan ang bawat sandali. Pagpinalagpas mo ang pagkakataon hindi na ito babalik pa. Sa pag-ibig wag hayaang mawala ang pagmamahal ng kasuyong Scorpio. Sa bawat pagkakaperahang iaalok ng kaibigan, sunggaban agad. Mapalad ang 4, 8, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Om.” Gold at orange ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) –   Suwerte ka ngayong araw na ito. Lubos kang masisiyahan sa aspetong damdamin at sekswal. Sa aspetong pananalapi, mababa at mabagal parin ang dating ng income. Mapalad ang 1, 10, 27, 32, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Orissa-Krisna-Om.” Green at  beige ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) – Upang wag masira ang araw, umiwas sa pakikipagtalo. Kahit hindi mo gusto ang suwestyon ng kasuyong Taurus umoo ka na lang ng umoo. Sa pinansyal, hihina ang kita kung lagi mong pinipilit ang iyong gusto. Mapalad ang 5, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Maroon at lilac ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) – Makaka-ahon ka rin sa mga pagkakautang pagda-ting ng buwan ng Marso. Sa pag-ibig, kung nagka-problema man sa relasyon kusa ding magkakasundo sa susunod na mga araw. Mapalad ang 5, 17, 23, 28, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Polluseo-Palleo-Om.”  Gray at silver ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) – Problema sa pananalapi? Wag mag-alala agad din itong masosolusyunan sa tulong ng isang kaibigang Cancer. Problema sa pag-ibig, sagot ng isang Sagittarius ang iyong kaligayahan. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.”  Maroon at lilac ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) – Isang Aries ang mag-aalok ng trabaho.Wag maging mapili ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago tuluyang umasenso. Sa pag-ibig, paano ka liligaya kung naghahanap ka ng “perfect relationship”, wala namang ganon sa mundo? Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 46, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Maham-Rintuan-Jaya-Om.” Violet at magenta  ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) – Sa pinansyal, kung nagigipit, wag kang mahiyang lumapit sa mga kaibigang chubby at matataba. Sa pag-ibig, isang naka-white na ka-tabi mo lang ang may lihim na gusto sayo. Mapalad ang 9, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) – Huwag mong ikumpara ang nakaraan pakikipagrelasyon sa kung ano ang mayroon sa ngayon. Wala kang karapatan pagkumparihin ito. Magpakaligaya sa kasalukuyan. Sa pinansyal, iwasan ang ugaling masyadong mapagbigay. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) –    Sa panahong ito na malapit na ang Mahal na Araw tumulong ka ng hindi naghihintay ng kapalit. Sa ganyang paraan, sa pinansayal at pag-ibig, lalo kang sasagana at mas magiging maligaya.  Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.”  Yellow at lilac ang buenas.

Read more...