Angelica masama ang loob sa ABS-CBN, lilipat na ng GMA?


Kaloka ang fans ni Angelica Panganiban, ang dali nilang mag-conclude sa mga bagay-bagay. Nag-post kasi ng photo si Angelica ng isang hilera ng parang shoe boxes sa kanyang Instagram account with this caption, “Saklap…. @peterdiosa”. May black ribbon ang bawat kahon.

Some fans took it to mean na lilipat ng istasyon si Angelica amid reports na may sama nga raw ng loob ang aktres sa Dos dahil parang napapabayaan na siya ng istasyon.

A supporter tweeted, “Ate angel, hwag kpo lumipat ng station plz…stay klang po sa abs-cbn,” a concerned fan tweeted.
Kaagad naman itong sinagot ng isang follower, “San nyo naman nasagap na lilipat sya?

Tsaka may movie nga sya with gerald eh.”Say pa ng isa, “Baka lilipat lang ng House. wa wenta sa 7 malalaos ka dun. Pramis!”
We feel na ipamimigay lang ni Angelica ang mga shoes niya and to make it dramatic ay nilagyan niya ng black ribbon.

Anyway, maraming fans ni John Lloyd Cruz ang nagpahatid ng message of concern through Angelica. Naaksidente si Papa Lloydie while doing a shoot for ABS-CBN station ID.

“John Lloyd Cruz had a minor bike accident during a shoot and he has undergone immediate medical treatment. He is fine and in good condition. The results have come out clear and Cruz was eventually discharged,” paliwanag ni Thess Gubi ng Star Magic tungkol sa aksidente.

Kumalat ang chismis na kasama ni Papa Lloydie si Angelica nang maaksidente siya, bagay na idinenay ng Star Magic, saying, “Angelica was present in the shoot but was not part of the scene and not involved in the accident.”

Ayon sa ulat na nabasa namin, tinahi ang mukha ni Papa Lloydie. Between 3 to 4 stitches daw ang tahi ng magaling na actor. Meron daw pumasok na bato sa nostrils niya.

“Kumusta na po c JLC? Sana ok lang po xa. God bless!” one fan tweeted Angelica.

( Photo credit to E Santiago )

Read more...